Ibabalik na sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang P60 bilyong pondo na dating ibinalik sa national treasury na mula naman sa natipid na budget na karamihan ay mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kanyang pagbisita sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Manila para siguruhin na naipapatupad ng maayos ang zero balance billing program.
“So I’m happy to be able to announce, dahil sa ating mga ginagawa, siguro alam naman ninyong lahat yung mga savings natin from Department of Pubic Works and Highways - yung P60 billion na yan ibabailik na natin sa PhilHealth,” pahayag pa ng Pangulo.
Dahil aniya ang P60 bilyong na gingamit sa iba’t ibang proyekto at nagkaroon na ng savings, kaya maibabalik na ito sa PhilHealth.

No comments:
Post a Comment