Nagbigay ng mga sensitibong impormasyon si dating DPWH Assistant District Engineer Brice Hernandez sa unang pagharap nito sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Sinabi ito ni ICI Special Adviser at Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos i-turnover ni Hernandez ang isa sa kanyang mga luxury car.
Ang pagsuko rin aniya ni Hernandez ng kanyang luxury car ay bilang tanda ng kanyang kooperasyon na makipagtulungan sa ICI.
“Brice was very cooperative, Mr Hernandez. His revelations were very relevant. And to cut it short, he was very tell-all,” pahayag pa ni Magalong.
Sa tanong kung nagbigay pa si Hernandez ng mga detalye kay Sens. Jinggoy Estrada at Joel Villanueva na pinangalanan niya sa pagdinig kamakailan ng Kamara, sinabi ni Magalong na mas marami pang binanggit si Hernandez.
“Just as I said, everything. He gave all the relevant information,” saad pa ng alkalde.

No comments:
Post a Comment