Tuesday, September 16, 2025

Walang banta sa buhay, destab kay Pangulong Marcos - Palasyo

 

Walang banta sa buhay at posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya hindi ito tumuloy sa pagdalo sa United Nations General Assembly (UNGA) sa New York City.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer­ Atty. Claire Castro na maliban sa naging pagbabanta dati ni Vice President Sara Duterte sa buhay ng Presidente ay walang direct threat sa buhay ni Marcos na Nilinaw pa ni Castro na hindi naman nanga­ngamba ang Presidente sa gagawing kilos protesta dahil natural lang ito at ang mga magpoprotesta ay kanyang mga kakampi sa paglaban sa katiwalian na ang adhikain din ay labanan ang korapsyon.

Ang malawakang kilos protesta ay gagawin sa Setyembre 21 ng iba’t ibang grupo para iprotesta ang nabunyag na katiwalian sa flood control projects  kasabay ng panawaggan na papanagutin ang mga nagnakaw sa pera ng taongbayan. rin ng National Security Council (NSC).

Sa kabila nito, iginiit naman aniya ng NSC na hindi pa rin sila magiging kampante sa pagtiyak at bigyan ng seguridad ang buhay ng Pangulo.

Paliwanag naman ni Castro, nais ng Pangulo na tumutok sa mga lokal na isyu lalo at kabubuo pa lamang ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).


P7.4 milyong gastos sa security, staff sa biyahe ni VP Sara


 Wala umanong gastos ang gobyerno sa mga biyahe ni Vice President Sara Duterte sa ibang bansa mula Hulyo 2024 hanggang sa kasalukuyan at ang ginastusan ng pondo ng bayan ay ang kanyang mga security at staff na umabot sa P7.473 milyon.

Ito ang inihayag ni VP Duterte sa pagdalo niya kahapon sa budget hearing ng House appropriatons committee kaugnay ng inihihirit na P902 milyong pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2026. Nag-waive ng kanyang parliamentary courtesy si VP Duterte at mag-isang dinepensahan ang panukalang budget.

Matatandaang ipinagpaliban ang delibe­rasyon noong Biyernes matapos hindi dumalo ang Bise Presidente at isang assistant secretary lamang ang ipinadala bilang kinatawan.

Sa briefing, nagtanong si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers partylist Rep. Antonio Tinio at Kabataan Rep. Renee Co kaugnay ng madalas na pagbiyahe abroad ni Duterte na umabot anila sa 13 trips simula 2024.

“The total [OVP expenses] for nine trips for both the security and OVP personnel is P7,473,887.70 as of July 31,” ayon kay Duterte.

“No public funds were used for all my travels. I did not charge representation, I did not charge tickets, I did not charge per dime for all my travels in the Office of the Vice President,” dagdag niya.

Tinanong din nina Tinio at Co ang paggamit ng confidential fund ng OVP pero tumangging sagutin ito ni Duterte. “This is the subject of an impeachment trial, and I would not like to discuss the defense for the impeachment trial,” sabi ni Duterte.

“Wala pong impeachment trial sa kasalukuyan. In fact it is archived in the Senate,” sagot naman ni Tinio.

Agad namang tinapos ng panel ang pagdinig sa panukalang pondo ng OVP at nakatakdang isalang sa deliberasyon sa plenaryo ng Kamara.

Bank accounts ng contractors na mag asawang Discaya pina-freeze ng CA


  Inanunsiyo ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kahapon na ipinag-utos na ng Court of Appeals (CA) ang pag-freeze sa assets ng mga indibidwal at mga korporasyon na sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Sa isang pulong balitaan sa Maynila, sinabi ni AMLC Executive Director Atty. Matthew David na ang freeze order ay sumasakop sa 135 bank accounts at 27 insurance policies ng mga indibidwal at korporasyon.

Inaprubahan ito ng CA kahapon, kasunod ng kahilingan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong Setyembre 12.

Hindi naman tinukoy ni David ang estimated value ng mga bank accounts ngunit sinabing ang mga bangko ay binigyan ng 24-oras upang magsumite ng reports hinggil sa mga naturang accounts. Tumanggi rin si David na magbigay pa ng ­karagdagang detalye, dahil confidentiality clause ng freeze order.

Una nang hiniling ng DPWH sa AMLC na isyuhan ng freezer order ang nasa 26 indibidwal na sinampahan nila ng kasong graft sa Office of the Ombudsman.

Kabilang dito sina dating DPWH OIC-Assistant Regional Director Henry Alcantara, dating DPWH Officer-in Charge (OIC) District Engineer Brice Ericson Hernandez, dating OIC-Assistant District Engineer Jaypee Mendoza, Construction Section chief John Michael Ramos, at Ernesto Galang ng Planning and Design Section.

Kinasuhan rin ang ilang contractors, gaya nina Ma. Roma Angeline Rimando, Cezarah “Sarah” Rowena Discaya, Pacifico “Curlee” Discaya II ng St. Timothy Construction Corp.; Mark Allan Arevalo ng Wawao Builders; Sally Santos ng SYMS Construction Trading, at Robert Imperio ng IM Construction Corp.