Tuesday, September 16, 2025

Pagpapalit ng liderato sa Kamara umugong-Martine Romualdez mag re-resign sa Wednesday September 17, 2025

 

Umugong sa hanay ng mga Kongresista ang posible umanong pagpapalit ng liderato sa Kamara na posible sa pagbubukas ng sesyon ngayon (Setyembre 17) o sa mga susunod pang araw.

“Baka, it’s possible,” pahayag naman ni Navotas City Rep. Toby Tiangco nang makunan ng reaksiyon ng media.

Sinabi ng ilang insiders na ito umano ang dahilan kung bakit ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Speaker Martin Romualdez sa MalacaƱang na sinamahan ni Presidential Son at House Majority Leader Sandro Marcos.

Ayon pa sa sources, pag-uusapan kung mananatili pa sa puwesto si Romualdez, magli-leave at magtatalaga muna ng Acting Speaker o tuluyan na itong magre-resign sa puwesto.

Ang isyu ay sa gitna na rin ng nabunyag na ­pangungurakot ng hindi lamang bilyon kundi umaabot na umano sa trilyong pondo sa infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) lalo na ang mga ghost flood control projects sa loob ng ilang taong korapsyon.

Naging kapansin-pansin naman ang maagang pagsususpinde ng sesyon sa Kamara nitong mga nakalipas na araw.

Ilan naman sa mga lumulutang na matunog na pangalang maaring pumalit kay Romualdez ay sina Isabela Rep Faustino Dy na kapartido ng Pangulo sa Federal ng Pilipinas; House Deputy Speaker Ronnie Puno; Bataan Rep. Albert Garcia at Rep. Jay-Jay Suarez ng Lakas-CMD.

Una namang pinalutang ni Navotas City Rep. Toby Tiangco ang pangalan ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez sa isa sa mga posibleng kandidato sa Speakership.


Suzara may nilinaw sa sponsorship

 

Mariing pinabulaanan kahapon ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon ‘Tats’ Suzara na direkta silang sangkot sa illegal online gambling platform kasabay ng hosting ng bansa sa 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship.

Ayon kay Suzara, walang makikitang 1XBET logo sa taraflex sa Smart Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena na mga official match venues ng torneo.

Reaksyon ito ng PNVF chief matapos sabihin ni Senate Games and Amusement Committee chairman Sen. Erwin Tulfo na may sponsorship deal ang PNVF sa 1XBET na ang operasyon ay ilegal sa bansa.

Ang online gambling entity ay kakabit ng Volleyball World, ang official global broadcasting platform ng mga FIVB events.

“In the case of 1XBET, 1XBET is illegal in the Philippines. It’s not shown on domestic television. You will know it from One Sports or sa Cignal TV, walang 1XBET,” sabi ni Suzara.

Sa isang video screenshot ay ipinakita ni Suzara sa mga reporters na tanging mga global subscribers lamang ng Volleyball World ang makakakita sa 1XBET logo, na minsang lumalabas sa kanilang mga screens habang nanonood ng mga laro ng 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship.

Sa isang Senate hearing noong Martes ay pinuna ni Tulfo ang sinasabi niyang sponsorship deal ng PNVF para sa world meet.

“May we request the Philippine National Police and the NBI to check on this kasi nakikita ko po sa screen kanina na nakalagay po sa floor, 1XBET,” dagdag nito.

Sinabi naman ni Suzara na walang nakalagay na 1XBET logo sa mga promotional materials ng torneo o kaya ay isang major o minor sponsor.


Joshua may inamin tungkol kay Barbie!


 Nagkatambal noon sa ilang proyekto sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio. Ayon sa aktor ay tila higit pa sa magkaibigan ang naging turingan nila noon ng dalaga. “Yeah, I don’t want to be the one to put specific labels. ‘Yon po, actually, sa lahat ng mga nakakatrabaho ko, lagi po akong natatanong about that. Pero kasi Tito Boy parang ayokong… I don’t want to be the one to put a label on it. Pero we were very close talaga during that time,” pagtatapat sa amin ni Joshua sa Fast Talk with Boy Abunda.

Hindi man nagsasabihan ng ‘I love you’ noon ay talagang espesyal sa puso ng binata si Barbie. “Hindi ko po ma-explain, parang in certain situations. Kasi talagang everyday kami magkasama. Totoo naman po talaga na we’re more than… kasi si Joyce (Ching), I consider as my friend before. Pero si Barbie, more than a friend,” dagdag pa ng aktor.

Matatandaang nagsimula ang tambalang JoshBie sa Stairway to Heaven noong 2009. Sa ngayon ay wala na raw komunikasyon sa pagitan nina Joshua at Barbie. “Kasi may mga acquaintances tayo, so I consider them as friends. Pero she’s my… parang siguro best friend or something more. I’d say wala naman po akong bridges na na-burn. Wala naman, kasi kahit lahat nang nakarabaho ko, I consider them as friends,” makahulugang paliwanag ng binata.

Wala raw magiging problema kay Joshua kung sakali mang magkaroon sila ng reunion project ni Barbie. Para sa aktor ay nakatutuwa ring mabasa sa social media ang kahilingan ng mga tagahanga ng tambalang JoshBie. “Kung may offer with Barbie, I don’t mind, okay lang. Kung okay lang din sa kanya, why not? Kasi ‘yan talaga ang hindi mga nawawalasa social media, posts, na parang reunion or whatever. Naisipko rin, oo nga naman, ano nga ba? Meron pa palang mga taona gusto kaming makitang mag-reunion. Nakakatuwa namang makabasa ng mga gano’n,” nakangi­ting pahayag ng Kapuso actor.

Masayang-masaya raw ang binata sa naabot na tagumpayng dating katambal sa show business. “Opo naman, sobra. Kasi alam ko rin naman kung ano ang pinanggalingan ni Barbie. Kung ano ‘yung history niya sa career niya, nakaka-relate po ako sa kanya. Gano’n din po ako no’ng nag simula din. I’m really happy sa lahat ng achievements niya ngayon,” giit niya.

Ngayon ay masaya at kuntento naman sa kanyang buhaypag-ibig si Joshua. Napag-uusapan na rin daw ng aktor at non-showbiz girlfriend ang tungkol sa pagpapakasal. “Masaya and content. Yes po, nasa planning stage po sapagpapakasal,” pagtatapos ni Joshua.