Tinanghal na national winner para sa Best Drama Series category ng Asian Academy Creative Awards (AACA) 2025 ang hit action serye nina Richard Gutierrez at Daniel Padilla, ang “Incognito”.
Nilabas na nga ng AACA ang national winners o official nominees para sa award show ngayong taon Ang “Incognito” nga ang pambato ng Pilipinas para sa Best Drama Series ng ACAA 2025.
Makakalaban nito ang mga serye mula sa iba’t ibang bansa sa Asia and Pacific gaya ng Australian series na “The Narrow Road to the Deep North”, “Strange Tales of Tang Dynasty: To The West” (Mainland China), at “What If” (Hong Kong).
Kasama rin ang Bollywood series na “Suzhal — The Vortex” (Season 2), Netflix series na “Born for the Spotlight” mula sa Taiwan, at “Please Die, My Beloved” ng Japan.
Pasok din ang mga Southeast Asian series na “Malam Pertama” ng Indonesia, “The Secret” (Malaysia), “Unbreakable Vows” (Myanmar), “Emerald Hill” (Singapore), at ang Thai Netflix series na “Mad Unicorn”.
Pinakasikat sa mga nominado ay ang national winner ng South Korea, ang Netflix series na “When Life Gives You Tangerines” na pinagbidahan nina Park Bo Gum at IU.
Sa nasabing Korean series nagmula ang #KimSeonHoSmileChallenge na naging viral trend sa social media ngayong taon.
Ito ang ikalawang international achievement ng “Incognito”, nauna na nga ang Oustanding Asian Star award ni Daniel sa Seoul International Drama Awards 2025.
Sa Pilipinas, ito ang Most Watched Filipino series sa Netflix Philippines ngayong taon.
Puring-puri ng mga viewer ang story, mga action scene nito, at ang mahusay na pagganap nina Richard at Daniel gayundin ang iba pang cast members nito na sina Maris Racal, Anthony Jennings, at Baron Geisler.
Congratulations!

No comments:
Post a Comment