Lumahok sa panawagan ng publiko na labanan ang korapsyon sa bansa ang ilang mga kilalang artista na pinangunahan nina Vice Ganda at Dingdong Dantes sa People Power Monument at sa Ayala, Makati City.
Naglakad at sumigaw ng kanilang panawagan si Vice Ganda kasama sina Elijah Canlas, Anne Curtis, Ion Perez, Jackie Gonzaga, Jasmine Curtis, Angel Aquino, Donny Pangilinan, Darren Espanto at ang cast ng “Bar Boys: The Musical”.
Nais ng mga ito na papanagutin at ikulong ang mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa pagnanakaw ng pondo.
Idinaan naman sa pagtakbo na tinawag na “run against corruption” ni Dingdong kasama ang media personality na si Kim Atienza ang kanilang protesta kahapon. Lumahok din ang kasamahang celebrities na sina Benjamin Alves, Faith Da Silva, Dasuri Choi, Kim Molina, at Jerald Napoles, at iba pa na pawang nakasuot ng itim na tank tops, na may mga nakaimprentang “I Dream Of A Corrupt-Free Philippines”, “End Corruption Now” at iba pa.
“Not our usual Sunday run. Today, our small community gathered not just for distance, but with prayer and intention,” ani Dingdong sa isinulat na caption.
“We hoped. We dreamed. For a corrupt-free Philippines. For accountability from those who have stolen from us. And for those attending the big rallies, we lifted them up in prayer as well,” aniya pa.
Sinabi niya na sa pamamagitan ng kanilang pagtakbo ay naihayag nila ang mga hinaing at pag-asa para sa bansa.
Ilan ding mga residente ng Makati na karamihan ay middle class, mga parishioner ang nag-alay ng panalangin sa pagsasagawa ng programa sa southbound lane ng Edsa at Buendia.
Kabilang naman sa lumahok sa “Baha sa Luneta” protest ang aktres na si Jodi Sta. Maria na nagsabing “..hindi na natin ‘to pwedeng palagpasin…Change has to happen.” Naroon din sina Andrea Brillantes.

No comments:
Post a Comment