Thursday, September 25, 2025

Flood control scandal ­‘inside job robbery’ - Lacso

 

 Tinawag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson, ang iskandalo sa flood control projects na isang “inside job robbery” na higit pa aniya sa kaso ng korapsyon.

Ayon kay Lacson, chairman ng Senate Blue Ribbon na nagsisiyasat sa iskandalo, ipinapakita ng lawak ng korapsyong nabunyag ang walang kontrol na kasakiman sa yaman ng mga sangkot dito. “With all that has been exposed so far by our Senate inquiry, even my ‘corruptionary’ won’t have the words for the insatiable greed of those government officials involved in what I can only describe as an ‘inside job robbery’ committed against the People of the Philippines,” ani Lacson sa isang post sa X nitong Miyerkules ng gabi.

Lalo aniya itong nakababahala dahil mismong ang mga opisyal na pinagkatiwalaan ng pera ng taumbayan ang nasa likod ng pandarambong na ito - habang ang karaniwang Pilipino ang nawawalan ng buhay at kabuhayan dahil sa palpak o guni-guning proyekto.

Tinukoy din ni Lacson ang Kongreso bilang “original sin” sa likod ng iskandalo dahil kung wala aniyang insertions ng mga sakim na mambabatas ay hindi magkakaroon ng napakalaking pondong napaglalaruan sa DPWH.

No comments:

Post a Comment