Thursday, September 18, 2025

Breakup nina Gerald at Julia, kumpirmado na; mga ex ng aktor nakaka-jackpot ng mga bilyonaryo!

 

Kinumpirma na ng Star Magic ang hiwalayan nina Gerald Anderson and Julia Barretto.

Kahapon ay naglabas sila ng statement: “Star Magic confirms that Gerald Anderson and Julia Barretto have mutually decided to end their relationship.

“We request the public to respect their decision and refrain from spreading false narratives.

“Gerald and Julia are grateful to their fans and friends for the love and support,” ang kabuuan ng kanilang statement.

Habang sinusulat namin ito ay wala pa silang post sa kani-kanilang social media pages.

Last May pa sinasabing hiwalay ang dalawa.

Marami ang umasa na sina Gerald at Julia na talaga ang magkakatuluyan, pero hindi nangyari.

Sa kasalukuyan ayon sa reliable source na kinumpirma ng isang kapamilya ng businessman na nasa dating stage si Julia at ang former equestrian at CEO ng RestaurantConcepts Group, Inc. (RCGI) na si Lucas Lorenzo.

Si Lucas ay kapatid ng mister nina Erich Gonzales and Claudia Barretto, sina Matteo and Basti Lorenzo.

At kung miyembro ng alta sociedad/old rich family si Lucas, isang volleyball star naman ang nali-link at sinasabing karelasyon umano ngayon ng actor. Ito ay ang Cignal HD Spiker na si Vanie Gandler.

Bilyonaryo rin ang kasaluku­yang karelasyon ni Bea Alonzo na ex rin ni Gerald, si Vincent Co.

So sinusuwerte ang mga nagiging ex ni Gerald? Napupunta sa mayayaman.

Maaalalang na-label ng ghosting si Gerald nang ma­ging sila ni Julia na hindi pa formal ang breakup nila ni Bea.

No comments:

Post a Comment