Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na sinubukang i-deregister o alisin sa Pilipinas ang registration ng tatlong air assets na konektado kay resigned Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.
Ipinaliwanag ni DPWH Secretary Dizon na ang dere¬gistration ang unang hakbang upang maibenta ang mga chopper sa ibang tao o sa ibang bansa.
Aniya, tatlong kompanya na may kaugnayan kay Co ang sumubok na i-deregister ang mga helicopter pero ito ay napigilan at nakabitin ngayon ang deregistration dahil sa freeze order.
Dagdag pa ng kalihim, kung hindi mai-deregister ang mga chopper ay hindi ito mabebenta kahit kanino.
Matatandaang, ibinunyag ni Dizon ang P4.7 billion na halaga ng air asset ng dating kongresista.

No comments:
Post a Comment