Habang malungkot ang mga taga-Himala dahil as of this writing siyam na lang ang mga sinehan nila, maligaya naman ang buong cast ng Green Bones na nadagdagan ang sinehan.
As of yesterday ay 70 cinemas na sila, na nag-umpisa sa 47.
Maganda rin ang review ng Himala pero obviously hindi ito nag-transform sa box office, kaya talagang nakakalungkol.
Ayon kay Direk Pepe Diokno sa X (dating Twitter) : “Just got the heartbreaking news that “Isang Himala” is down to 9 cinemas…Pero madadagdagan tayo ng Powerplant bukas! Please watch the film before it’s too late, and please request the film from your nearest cinema if it’s not yet showing in your area #MMFF50 #MMFF2024.”
Samantala, bukod sa nagti-trending ito dahil sa magagandang reviewspulos papuri rin ang natatanggap nina Dennis Trillo and Ruru Madrid. Tapos ang sipag pa nilang mag-theater tour.
Dahil dito over the moon ang nararamdaman ng dalawang Kapuso actor.
“Grabe, sobrang nakakataba po ng puso at sabi ko nga, pinag-uusapan namin ni Kuya Dennis, hindi kami nakatulog, eh. Kasi kakabasa, lagi pong may bago at hanggang ngayon, wala pa po kaming nababasang… alam mo ‘yun, parang negatibong komento. It’s all praises at kung gaano sila naapektuhan sa pelikula, ano ‘yung mga realizations nila, ano ‘yung pakiramdam nila after nilang panoorin. Grabe, sobrang nakakataba po ng puso,” sabi ni Ruru sa ginanap special screening for selected media ng Green Bones last Thursday organized by his managers, Becky Aguila, Katrina Aguila and Jan Enriquez.
Kagabi ginanap ang awards night at usap-usapan ang lakas ng laban ni Dennis pero wala pang resulta habang nagde-deadline kami.

No comments:
Post a Comment