Friday, December 27, 2024

Coco,gustong patapusin si Julia

Nangangarap si Coco Martin na makapagtapos ng pag-aaral ang kasintahang si Julia Montes.

Ayon sa aktor ay matagal na ring nagnanais si Julia na makapagtapos ng kolehiyo. “Ang pangarap ko sa kanya ay maka-graduate pa rin siya ng college, ‘yung dahan-dahan lang. Ako na bahala sa pagtatrabaho. Basta gusto ko ay matupad niya ang dreams niya. Actually, mayroon pa ngang pagkakataon na kapag si Juls, wala sa teleserye, walang pelikula na ginagawa, ang ginagawa ko ay pinag-aaral ko siya,” pagbabahagi ni Coco sa YouTube channel ng CCM Film Productions.

Sa mahigit isang dekada ay marami na ring pagsubok na nalampasan ang dalawa. “Sa lahat ng bagay parang kung ano lang ‘yung iniisip ko at pinapangarap ko more than ‘yung support na ibinibigay niya. Kaya totoo ‘yung ang sarap sa pakiramdam na makahanap ka ng best friend mo, mayroon kang kasama, may mahihingahan ka, may makakausap ka, ‘yon siya sa akin. Ang swerte ko lalo na at siya ang best friend ko,” makahulugang pagbabahagi ni Julia.

No comments:

Post a Comment