Sunday, December 8, 2024

Tutok muna sa mister... Alex nag-mature na, handang pasukin ang pulitika!

 

BASLITA NGAYON-All-out ang suporta ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa kandidatura ng mister na si Mikee Morada.

Ito ang kanyang major chika sa Christmas party ng Society of Philippine Entertainment Editors  (SPEEd) last week na ginanap sa Rampa Drag Club, Quezon City. Kasama niya ang politician husband na si Mikee Morada, konsehal ng Lipa City, Batangas, na tumatakbong Vice Mayor ng naturang lungsod

“First ko lang yata naipakilala sa mga taga-SPEEd, editors, press people – ang asawa ko. Kasi nagpakasal kami, pandemic,” anang actress/vlogger.

Lie low muna ngayon si Alex dahil gusto niyang mag-focus sa kanila ni Mikee. Kaya may mga tinatanggihan na siyang offer.  “Siyempre thankful tayo. Pero ang iniisip ko pa rin is ‘yung asawa ko at we’re trying to have a baby. Ayokong mawala sa focus... ‘Yun ang priority,” pahayag naman ni Mikee.

“‘Yun muna, starting a family, building a family. Medyo mahirap pagsabayin…” dagdag naman ni Alex.

Consistent si Alex sa kanyang pagme-mellow, I mean mas behave na.

Tapos na raw siya sa mga kung anu-anong ‘kagagahan’ nu’ng medyo bata-bata pa siya. “Alex will always be Alex... Pero mas careful na siya ngayon,” patotoo naman ng mister na nakipagkantahan sa official and members ng SPEEd sa isang impromptu sing along session.

“Sa kanya na lang ako nagiging naughty,” hirit naman ni Alex na lu­magare pa that night, bago siya pumunta sa party ng SPEEd ay dumalo na siya sa party ng Belo Medical Group.

Pero kahit na si Mikee ang priority niya, consis­tent si Alex sa mga na­ngunguna, pinakamalakas na vloggers ng bansa at lalo pang nadagdagan ang subscribers niya na ipinagpapasalamat niya. “Kasi nakita ko kung paano niya inumpisahan ‘yung vlog, nu’ng nanliligaw pa lang ako. ‘Yun ang pinakauna niyang vlog. Hanggang ngayon, siya pa rin ang nag-e-edit, at inuupuan niya ang lahat. ‘Pag nakita mo ‘yun, talagang mapa-proud ka sa kanya,” pagmamalaki ng mister ni Alex na parang hindi nagma-mature ang face.

Kaya okay na raw muna si Alex sa vlogging at gusto niyang mag-focus sa pagsuporta sa asawa.

Pero si Alex ay hindi isinasara ang posibilidad na pasukin din ang pulitika, pero umiiling si Mikee. “Hindi muna tayo magsasalita nang tapos. As of the moment, nag-e-enjoy akong sinusuportahan ko lang si Mikee,” katwiran ni Alex.

Hirt ng batang pulitiko na galing sa mayamang pamilya sa Batangas, mas mabuting nasa showbiz na lang ang misis.

Sa kasalukuyan ay hindi na nagpapaapekto ang mag-asawa sa ilang binubuhay na mga isyu ni Alex noon. Kinalimutan na raw nila ‘yun at ayaw na ng actress / host / vlogger na ibalik ang nakaraan.

“It’s part of the consequence ng pagiging childish at immature ko noon.  What’s important, lagi akong nire-remind ng asawa ko, my family – you know your mistakes and you’re trying to improve, trying your best na hindi ulitin. At nakikita namang nagbabago ka.

“Nagma-mature… hindi forever bagets, hindi forever makulit,” katwiran ni Alex na dama mong totoo ang kanyang sinasabi.

No comments:

Post a Comment