Tanggap na raw ni Bea Alonzo ang kanyang single era.
Ayaw na raw niyang i-pressure ang sarili sa kahit ano. Hindi raw kasi marriage ang laging endgame ng lahat. Katwiran niya, iba-iba ang landas at kapalaran ng bawat isa.
Pero kung mangyari man daw na ang itinutukoy ay makasal siya, magiging masaya raw siya pero hindi raw ibig sabihin no’n ay sisisihin niya ang sarili kung hindi mangyari iyon.
Sey naman ng ibang netizen ay laging ganito raw ang aktres pero baka meron naman na raw itong dine-date.
Maaalalang na-engage ang Widows’ War actress kay Dominic Roque na nali-link na ngayon kay Sue Ramirez.
Well, baka naman overacting si Bea sa lalaking hinahanap niya o masyado siyang mahirap pakibagayan kaya ganyan ang kapalaran niya noh.

No comments:
Post a Comment