Monday, December 9, 2024

SPEEd mas naging makabuluhan ang Christmas party

 

Kabilang ang mag-asawang Mikee at Alex Gonzaga sa dumalo at nakisaya sa mas makulay at makabuluhan na Christmas Party ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Ginanap nitong nagdaang December 2 sa Rampa Drug Club na matatagpuan sa #40 Eugenio Lopez St., Diliman, Quezon City, muling nagsama-sama ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd para sa taunang tradisyon ng grupo tuwing sasapit ang Kapaskuhan na dinaluhan ngayon ng mas maraming celebrity at personalities sa showbiz industry.

Ngayong taon, magbabahagi rin ang SPEEd ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng mga nagdaang kalamidad.

Siyempre, as we celebrate, we remain mindful of our kababayans in Luzon who have faced recent calamities.

Mangyayari ang gagawing gift-giving ng organisasyon ng mga editor para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo at iba pang kalamidad nitong mga nagdaang buwan bago mag-Pasko.

Kasabay nito ang taos-pusong pasasalamat ng grupo, na binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas, sa lahat ng nag-share ng kanilang blessings para mapasaya at makatulong kahit paano sa mga nangangailangan nating mga kababayan.

Una na riyan ang mga may-ari ng Rampa Drag Club na sina RS Francisco, Rei Anicoche Tan ng Beautéderm Corporation, Senate President Chiz Escudero, mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde ng Nathan Studios, Mentorque Productions producer Bryan Diamante, Frontrow owner, Tutok To Win Partylist Rep. Sam Verzosa, Gladys Reyes, Ice Seguerra at Liza Diño, at Tates Gana.

Nakisaya rin sa Christmas party tradition ng SPEEd at nagbahagi ng blessing sina Ms. Boots Anson-Rodrigo, Ara Mina, Jake Cuenca, Regal Entertainment producers Roselle Monteverde at Keith Monteverde.

Ganundin ang SB Partylist, former Sec. Benhur Abalos, Senator Nancy Binay, Vita Plus (Doyee Tumpalan), Partido sa Bagong Pilipino Partylist (Goyo Larrazabal and Beaver Lopez).

Nakiisa rin ang mga taga-Globe Telecoms sa pangunguna ni Yolly Crisanto; ganundin sina Claire Papa and team ng Unilab.

Present din ang PR head ng Kapamilya Network na si Kane Choa kasama ang kanyang team,  Marianne de Vera ng Pascual Laboratories, Wilson Flores ng Kamuning Bakery, Ferlin Parreno ng Viva Entertainment, Veronica Ramos-Baun ng JN Enterpraises Branding Consultancy at Kathryn Chua of Lilt Digital Marketing.

Naroon din ang singer-comedian at host na si TJ Valderrama na talent ng Curve Entertainmen, Topakk actress Anne Feo, talent manager Narciso Chan at Bambbi Fuentes.

Um-attend din sa party ang Vivamax stars na sina Micaella Raz, Stephanie Raz, Salome Salvi, Gold Aceron, Victor Rellosa, Kych Minemoto, Benz Sangalang at marami pang iba.



No comments:

Post a Comment