Confirmed na naglabas ng pera si Judy Ann Santos sa pelikulang Espantaho.
Yup, tatlo ang producer ng pelikula na comeback ng actress sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ito mismo ang kuwento ni Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films sa ginanap na media conference kahapon ng pelikula.
Ang isa pang producer nito ay si Pandi Bulacan Mayor Enrico Roque (Cine Cinco).
“I offered to her (Juday), actually, kasi she’s produced before and I just thought that since ang laki naman ng contribution niya sa pelikula, baka lang sakali magka-interes din siya,” sabi ni Atty. Joji.
“I think it’s something good for an artist, kasi nabibigyan sila ng chance,” dagdag pa ni Atty. Joji.
Samantala, gets naman ni Juday ang pagtanggi ni Star for All Seasons Vilma Santos sa Espantaho na first time sanang mangyayari.
“Feeling ko naman, everything happens for a reason. Ang importante, natuloy ang pelikula at natapos, nabuo. Again. Maaaring hindi ito ‘yung time na magsama kami ni Ate Vi. I mean, naniniwala ako na darating ang panahon na may perfect project for us,” pahayag ni Juday.
Ngayon ay magsasalpukan ang movie nila, Uninvited, habang si Lorna Tolentino naman ang pumalit kay Ate Vi. “Naniniwala naman din ako sa explanation ni Ate Vi. Gets na gets ko, so there’s really nothing to… walang comparison,” sabi pa actress kahapon.
Maalalang sinagot ni Ate Vi sa presscon ng Uninvited kung bakit ito ang mas pinili niya kesa Espantaho. “Sa akin naman, kung kanino nag-land ‘yung role, ibig sabihin, siya ‘yung perfect sa role, ‘di ba?
“And when I saw the trailer of Uninvited, ‘ay, oo nga, tama ‘yung desisyon ni Ate Vi.’ Napakaganda ng ano, ng trailer. Ang intense ng character niya and I think, as an actor, naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko kung bakit naging ganu’n ‘yung desisyon niya.”
Samantala, ngayon nga lang natuloy ang pagsasama nila ni Direk Chito Rono na noon pa sana nangyari. Kay Juday originally ang pelikulang Feng Shui na nagpasikat ni Kris Aquino.
Kaya naman ito na raw ang katuparan ng kanyang pangako noon pa sa mahusay na direktor na gagawa siya ng horror.
Kaya game kaagad siya. Go agad kahit hindi pa niya alam ang kuwento nito. “Hindi mo kailangang malaman kung ano ‘yung synopsis ng isang pelikula o isang proyekto kung malaki ang tiwala mo. May foundation ang pelikula, eh. So, sila ‘yun – Atty.Joji, Direk Chito and Chris (Martinez - writer),” sabi pa ni Juday.
Bukod kina Juday and LT, kasama rin sa Espantaho sina Eugene Domingo, Chanda Romero, Janice de Belen, Mon Confiado, Nico Antonio and Tommy Abuel, ang many more.
Showing na ito simula Dec. 25.
No comments:
Post a Comment