Wednesday, December 11, 2024

P6.352 trilyong national budget posibleng pirmahan ni Pangulong Marcos sa Disyembre 20

 

 Posibleng lagdaan na sa susunod na linggo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P6.352 trillion national budget para sa susunod na taon.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) acting Secretary Cesar Chavez na posibleng sa Disyembre 20, dakong alas-9 ng umaga lagdaan ng Pangulo ang pambansang pondo para sa 2025.

Niinaw naman ni Chavez na posible pa rin mabago ang petsa ng paglagda ni Marcos.

Ang pahayag ng kalihim ay ginawa matapos na lagdaan ng bicameral conference committee ang pinal na bersyon ng 2025 General Appropriations Bill (GAB) na naglalaman ng national budget plan para sa fiscal year 2025.

Samantala, sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na ang budget para sa office of the Vice President (OVP) ay nanatili sa P733 milyon.

Nauna na rin sinabi ni Presidential Legislative Liaison Office Secretary Mark Leandro Mendoza na lalagdaan ni Pangulong Marcos ang budget bill bago mag-Pasko.


No comments:

Post a Comment