Monday, December 23, 2024

#BALITAnaw: Mula Alice Guo hanggang BBM-Sara breakup: 10 kontrobersiya sa politika na nagpasabog sa 2024

 

Isa ka rin ba sa mga napa-react sa naglipanang mga kataga sa balita, tulad ng: “Hindi ko na po maalala, Your Honor,” “Appointed Son of God,” “Isang Kaibigan,” at “Duran Duran”?

Bago sumambulat ang isa na namang bagong taon para sa lahat, halina’t balikan muna ang mga kontrobersiya sa mundo ng politika na talagang pinag-usapan sa bansa nitong 2024.“Your honor, hindi ko na po maalala…”

Ito ang isa sa mga tumatak na linya ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na ngayo’y kinikilala bilang Chinese national Guo Hua Ping, sa nagdaang mga pagdinig ng Senado ukol sa umano’y pagkakasangkot niya sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).

Nagsimula ang pag-imbestiga kay Guo noong Mayo nang i-raid ang ilegal na POGO sa nasasakupan niyang munisipalidad. Pinagdudahan din ang kaniyang identidad dahil wala raw itong school at hospital records, at tanging “hindi ko po alam” at “hindi ko na po maalala” ang mga sagot niya nang usisain ang ilang mga impormasyon hinggil sa kaniyang pagkakakilanlan. 


No comments:

Post a Comment