VICE, ANN, NADINE, KRIS, MAINE pasok sa magic 8, COCO MARTIN laglag sa listahan!
Apat na script ang in-announce na kahapon na pasok sa Metro Manila Film Fiestival 2019 isang script bawat genre ang pinili nila bilang sagot sa mga nag tatanong bakit hindi napili ang ibang isinumite na pinag bibidahan ng ilang box-office star.
Sa fantasy, ppasok ang Momalland nina Vice Ganda at Ann Curtes.Sa drama naman ay ang Pinoy adoptation ng Viva Films na Korean film na Miracle in Cell #7 nina Aga Muhlach at Nadine Lustre.
Ang Mission Unstapabol: The Don Identity nina Vic Sotto at Main Mendoza sa comedy, at ang (K) Ampon ng Quantum Films nina Kris Aquino at Derek Ramsay naman ang sa horror.
Paliwanag ng ilang nasa Screening Committee, kinukunsider nila ang commercial viability at Filipino Cultural Sensibility ang bawat entrey.
Pero nakakasama na ang ibang entrey gaya ng Momalland nina Vice Ganda at Ann Curtes na nagsimula ng mag shooting.
Ang pagkakaalam ko, nasa pre-production na rin kay Coco Martin at Jennylyn Mercado. Sana i-submit nila ito sa finished films.
Marami pang inaasahang magagandang material tampok ang mga kilalang artista, gaya ng Mindanao ni Judy Ann Santos, ang Isa Pang Bahaghari ni Nora Aunor, ang The Heiress ni Maricel Soriano, ang It It ni Robin Padilla, ang Magikland ni derik Paque Gallaga at marami pa.
Dumalo kahapon sa announcement na ginanap sa tanggapan ni Chairman Danny Lim ng MMDA ang miyembro ng Exicutive Committee ng MMFF na si Sen. Bong Go at Congressman Dan Fernandez.
Binanggit na rin doon ni Sen. Go na sisikapin daw nilang next year ay magiging dalawa na ang Metro Manila Film Festival.
Tuwing MMFF ay nanonood daw talaga siya, kaya nga napapanood daw niya lahat na Shake,Rattle and Roll. Kaya mas maganda raw at malaking tulong din sa lahat ng nagtatrabaho sa pelikula kung magkakaroon ng dalawang MMFF sa taun-taon
Kung matutuloy ito, sana hindi magkaroon ng conflict sa Pista ng Pelikulang Pilipino ng FDCP.
Showbiz Ganern! ni:
Gorgy Rula

No comments:
Post a Comment