Malaki pasasalamat ni Beauty Gonzalez sa asawang si Norman Crisologo dahil suportado nito ang lahat nang ginagawa ng aktres.
He is not the typical husband. Yung husband ko naman more on the liberated side na gusto niyang i-empower yung lahat ng babae na parang porke't may anak kana, maya asawa kana, hindi kana pwede magka-love team. Sabi niya tingnan mo nga "yung mga Hollywood actors and actresses di ba" nakangiting sabi ni Beauty.
"Iyon 'yung gusto kung ipakita sa lahat ng mga aktor ng ABS-CBN na porke't may asawa at anak na kayo, huwag kayo magpabaya. Kayang-kaya parin natin mag pakilig at mag-portray ng real family. So that's why i am pushing right now and that's what my husband is pushing right now," dagdag pa ng aktres.
Patuloy na pinag-uusapan at tinatangkilik ng mga manonood ang teleseryeng Kadenang Ginto kung saan kabilang si Beauty. Para sa aktres ay malaking bahagi ng tagumpay ng kanilang programa ay ang mga taong nasa likod ng Kamera. "For me what really makes a good teleserye are the writers behind it. They are the real Mondragons. So that's what's makes the thing works kasi magaling 'yung writer. Magaling 'yung nag-iisip ng Kadenang Ginto and the directors who are guiding us. Thankful din kami sa directors namin because they give us the trust na pwede naming gawin. Nagsa-susugest kami ni Dimple Romana kung saan 'yung mga eksena namin. Siguro we are both happy and contented with our lives thar's why kahit anong gagawin naming dalawa okay lang," paliwanag ni Beauty.
showbiz news ni:
Boy Abunda

No comments:
Post a Comment