Tuesday, September 30, 2025

Kahit sosyal! Geraldine hindi nag-inarte sa pagpapa-sexy


 Ang bongga ni Geraldine Jennings dahil pansin na pansin ang pagpapa-sexy niya sa pelikulang “Isla Babuyan”, ha!

Ang “Isla Babuyan” ang launching movie ni Geraldine at kahit co-producer sa pelikula ang nanay niyang si Gina Cariaga-Jennings, hindi naman siya nag-inarte sa pagpapa-sexy. Kung ano raw ang kailangan sa pelikula ay ginawa ni Geraldine.

At wala rin daw problema kahit sosyal siya, willing daw siya na ginawa ang sexy scenes na kailangan sa “Isla Babuyan” dahil importante nga ‘yon sa istorya ng pelikula.

Hindi naman daw puwedeng habang naka-swimming trunks lang ang leading man niyang si Jameson Blakes ay balot na balot naman siya.  Anyway, ngayong October 1 (Wednesday) na ang opening sa Robinsons Movieworld cinemas ng “Isla Babuyan” at very proud si Geraldine na ang bongga ng reviews sa kanyang launching movie.

‘Yun na!

Magnolia ‘patay kung patay’ sa Season 50 – Zav Lucero

 

POSITIBO si Zavier Lucero na magiging contender pa rin ang Magnolia sa PBA Season 50, kahit pa bagong bihis ang team.

Si LA Tenorio na ang bagong head coach ng Hotshots, hinugot mula Ginebra para pumalit kay Chito Victolero. Unang official business ni Tenorio bilang head mentor ang paghugot kay 6-foot-5 big man Yukien Andrada bilang No. 6 pick overall sa 2025 Draft noong September 7, bago ‘yun, nasilo ng Hotshots si Javi Gomez de Liano sa trade sa Terrafirma para kay Jerrick Ahanmisi.

“I think ever since I’ve been here, and before I’ve been here, the talent’s there,” ani Lucero. “But we can go all the way. We might not have the talent of an SMB or Ginebra, but we have enough.”

Sakto sa talento, kailangan na lang mailabas at magamit ang potensiyal, binigyan din si Lucero ng panibagong two-year maximum extension nitong offseason.

Nawala lang si William Navarro na tumalon sa Korean Basketball League (KBL), pero pukpok pa rin ang mga beteranong sina Mark Barroca, Paul Lee, Ian Sangalang, Rome dela Rosa, at sina Jerom Lastimosa, James Laput.

“We have to make sure that we are the most together team, and that beats talent, usually,” dagdag ng 6-foot-6 forward. “Hopefully that would be the case for us this year.”

Noong 2018 Governors Cup pa ang huling championship ng Magnolia, binansagan ng mga miron na ‘Introboys’ dahil humaharurot sa umpisa ng bawat torneo bago tumutukod sa dulo.

Sa October 5 ang siklab ng golden season via Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Samantala, labas na agad ang dibidendo ng pagdating ni Juan Gomez de Liano sa Converge.

Kita ang chemistry ni Gomez de Liano sa mga dinatnang sina twin towers Justin Arana at Justine Baltazar, at ang backcourt nina Alec Stockton at Schonny Winston, No. 2 pick ng Fiberxers si Juan GDL sa 2025 PBA Draft noong September 7.

Gumawa ng ingay ang Converge sa build up bago ang PBA Season 50 Philippine Cup, winalis ang apat na panalo sa preseason games, kabilang sa mga biktima ng FiberXers ang all-Filipino defending champion San Miguel, Meralco, NLEX at Blackwater.