Ang bongga ni Geraldine Jennings dahil pansin na pansin ang pagpapa-sexy niya sa pelikulang “Isla Babuyan”, ha!
Ang “Isla Babuyan” ang launching movie ni Geraldine at kahit co-producer sa pelikula ang nanay niyang si Gina Cariaga-Jennings, hindi naman siya nag-inarte sa pagpapa-sexy. Kung ano raw ang kailangan sa pelikula ay ginawa ni Geraldine.
At wala rin daw problema kahit sosyal siya, willing daw siya na ginawa ang sexy scenes na kailangan sa “Isla Babuyan” dahil importante nga ‘yon sa istorya ng pelikula.
Hindi naman daw puwedeng habang naka-swimming trunks lang ang leading man niyang si Jameson Blakes ay balot na balot naman siya. Anyway, ngayong October 1 (Wednesday) na ang opening sa Robinsons Movieworld cinemas ng “Isla Babuyan” at very proud si Geraldine na ang bongga ng reviews sa kanyang launching movie.
‘Yun na!

No comments:
Post a Comment