Tuesday, September 30, 2025

3 chopper ni Zaldy Co tinangkang ibenta


 Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na sinubukang i-deregister o alisin sa Pilipinas ang registration ng tatlong air assets na konektado kay resigned Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.

Ipinaliwanag ni DPWH Secretary Dizon na ang dere¬gistration ang unang hakbang upang maibenta ang mga chopper sa ibang tao o sa ibang bansa.

Aniya, tatlong kompanya na may kaugnayan kay Co ang sumubok na i-deregister ang mga helicopter pero ito ay napigilan at nakabitin ngayon ang deregistration dahil sa freeze order.

Dagdag pa ng kalihim, kung hindi mai-deregister ang mga chopper ay hindi ito mabebenta kahit kanino.

Matatandaang, ibinunyag ni Dizon ang P4.7 billion na halaga ng air asset ng dating kongresista.

Dating Speaker Martin Romualdez, inimbestigahan na patungkol sa flood co...