Monday, September 29, 2025

Hindi ako natatakot kay Martin Romualdez, ayon kay Sen. Marcoleta #news ...

Kris gumaganda ang hitsura

 

Dahil umuwi nga ng Pilipinas ang naging nurse ni Kris Aquino sa Orange County, California na si Noel Alonzo at aksidente namin itong nakita sa Gateway 2 Mall bago niya dalawin ang tinaguriang Queen of All Media, nanghingi kami rito ng update tungkol sa dating “boss”.

Kinumusta nga namin ang kalagayan ngayon ni Kris.

Sey naman ni Noel, better than last year ang hitsura ni Kris nang dalawin niya ito.

Actually, mukhang tama nga si Noel dahil nang makita namin ang post ng beauty expert na si Jonathan Velasco na kilalang malapit sa pamilya ni Kris, aba, obvious na masigla si Kris.

Hindi na rin sobrang payat ni Kris kaya naman marami sa mga faney ng nanay nina Josh at Bimby ang natuwa. Sabi nga ng mga faney, sana more pics na ganoon ang i-share ng mga taong malalapit kay Kris.

‘Yung pictures nga pala na shinare ni Jonathan ay kuha sa pa-birthday dinner sa kanya ni Kris at very thankful nga siya sa pamilya Aquino.

In fairness, kahit may sakit si Kris ay talaga namang naglalaan siya ng oras para sa mga taong mahal niya at nagmamahal sa kanya, ha!

Heart binanatan dahil sa pinost na pic nila ni Sen Miriam

 

Parang lahat na lang ng gawin at i-post ni Heart Evangelista sa socmed ay binibigyan ng kulay at intriga ng mga memang netizen, ha!

Gaya na lang ng latest Instagram Story ni Heart na hindi talaga pinalampas ng bashers. Kapo-post pa nga lang ni Heart ng lumang picture nila ng yumaong Senador Miriam Defensor-Santiago pero agad-agad itong nag-trending sa socmed at panay kuda at hindi magagandang komento ang mababasa tungkol dito.

Tsika tuloy ng followers ni Heart, ang hirap-hirap nga raw i-please ng mga digital citizen ngayon.

Nakakaloka ang mga hanash ng bashers, eh gusto lang naman ni Heart na alalahanin ang 9th death anniversary ng kanyang ninang.

Hindi nga ito nagustuhan ng maraming netizen at para sa kanila ay another pa-victim card lang daw ito ng aktres.

Marami rin ang kumuda na sana raw ay patahimikin na ng misis ni Senador Chiz Escudero ang namayapang Senadora.

Kung matatandaan, nabanggit din kasi ni Heart ang pangalan ni Sen. Miriam last Tuesday nang mag-IG live siya.

Kuwento ni Heart, ang yumaong politiko raw kasi ang nag-udyok sa kanya na magkaroon ng pre-nuptial agreement bago magpakasal kay Sen. Chiz.

Obserbasyon tuloy ng nakakarami, parang hindi pa rin talaga humuhupa o nababawasan man lang kahit konti ang pagkaimbyerna ng mga taong tambay sa cyber space kay Heart dahil sa kanyang mister.