Monday, September 29, 2025

Kris gumaganda ang hitsura

 

Dahil umuwi nga ng Pilipinas ang naging nurse ni Kris Aquino sa Orange County, California na si Noel Alonzo at aksidente namin itong nakita sa Gateway 2 Mall bago niya dalawin ang tinaguriang Queen of All Media, nanghingi kami rito ng update tungkol sa dating “boss”.

Kinumusta nga namin ang kalagayan ngayon ni Kris.

Sey naman ni Noel, better than last year ang hitsura ni Kris nang dalawin niya ito.

Actually, mukhang tama nga si Noel dahil nang makita namin ang post ng beauty expert na si Jonathan Velasco na kilalang malapit sa pamilya ni Kris, aba, obvious na masigla si Kris.

Hindi na rin sobrang payat ni Kris kaya naman marami sa mga faney ng nanay nina Josh at Bimby ang natuwa. Sabi nga ng mga faney, sana more pics na ganoon ang i-share ng mga taong malalapit kay Kris.

‘Yung pictures nga pala na shinare ni Jonathan ay kuha sa pa-birthday dinner sa kanya ni Kris at very thankful nga siya sa pamilya Aquino.

In fairness, kahit may sakit si Kris ay talaga namang naglalaan siya ng oras para sa mga taong mahal niya at nagmamahal sa kanya, ha!

No comments:

Post a Comment