Sunday, September 28, 2025

Rafi Reavis papantayan tibay ni Robert Jaworski

 


TULOY ang build up ng Converge, nagdagdag pa ng mga piyesa na makakatulong sa kampanya sa PBA Season 50.

Sa kanilang social media page, kinumpirma nitong Linggo ng FiberXers ang pagpapapirma kina veteran center Rafi Reavis at rookie forward Kobe Bryan Monje. “Two names, one mission,” anang team sa pag-welcome sa latest additions.

Second round pick (21st overall) ng FiberXers si Monje sa 2025 Draft. Nakalistang 6-foot-4 ang 24-anyos na tubong Bulan, Sorsogon at produkto ng Letran Knights.

No. 2 pick ng team si Juan Gomez De Liano noong Sept. 7.Pandagdag si Monje sa frontline ng Converge sa tabi nina twin towers Justine Baltazar at Justin Arana.

Subok nang pamoste sa gitna si Reavis, pinik-ap sa free agency matapos hindi na i-renew ng Magnolia ang kontrata pagkaraan ng Season 49.

Sa kanyang 22nd season noong huli, mainam pa rin ang kontribusyon ni Reavis kapag tinatawag ng Hotshots ang numero

Rey Remogat mabangis! UP tinambakan ang UE

 

SINIMULAN ni Rey Remogat at tropa sa defending champion University of the Philippines na suriin ang mga sarili upang itala ang unang panalo sa pagtambak sa University of the East, 92-75, sa 88th UAAP Men’s Basketball Tournament elims nitong Linggo ng hapon sa Araneta Coliseum.

Todo kayod siya tampok ang isang 4-point play tungo sa 21 points sa anim na tres, rekado sa 11 assists, 7 rebounds at 2 steals upang itulak ang Fighting Maroons na tuldukan ang kambal na semplang.

“Nag-umpisa kami sa sarili namin. Alam namin na kaya naman namin pero parang may kulang. Doon kami nag-start, sa mga kulang, nagtulungan kami para mapuno namin ang mga kulang,” suma ni 5-foot-10 guard Remogat, sa unang mahusay laban sa dati niyang team Red Warriors.

“Ginagawa ko po ito lahat para kay Lord, nagbunga ang lahat ng paghihirap ko, naniniwala ako na be always ready, salamat sa mga teammate ko at sa tiwala ng mga coach namin,” hirit pa niya.

Naghabol ang Fighting Maroons sa kaagahan ng laro bago pinagningas ni Remogat ang Peyups sa pagtatapos ng first half bitbit na ang 17 puntos na abante. Itinala pa ng UP ang pinakamalaki kalamangang 27, 81-54.

Isa pang dating taga-Recto, si Gani Stevens, ang sumaklolo kay Remogat ng 14 markers na naglaglag sa UE sa ilalim ng walong koponang liga sa 0-3.

Magpapatuloy ang torneo sa Miyerkoles sa mga giriang De La Salle University-Far Eastern University sa alas-2:00 nang hapon, at University of Santo Tomas-National Universty sa alas-4:30 nang hapon. (Lito Oredo)

Kongreso ang dapat managot vs mga isyu sa budget

 

Pinalagan ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang mga paratang na siPangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dapat sisihin sa maanomalyang kontrobersiya sa budget ay isangpagbaluktot na naayon sa batas at katotohanan

Para kay Goitia, ito ay “hindi lamang uring panlilinlang kundi hayagangkasinungalingan laban sa atingKonstitusyon.”

Ang Kongreso ang tunay na may kagagawan nanakalahad sa Konstitusyon.

“Malinaw ang sinasabi ng Konstitusyon,” diin ni Goitia. “Nasa Mababang Kapulungannagsisimula at natatapos ang lahat ng appropriation bills. Ang Kongreso ang gumagawa, nagdedebate, at nagpapasa ng budget — kasama ang lahat ng insertions. Kung may anomalya, sila ang dapat unangmanagot. Ang pagsisi lahat sa Pangulo ay hindi lang mali, kundi insulto sa prinsipyong separation of powers.”

Sa isyu ng veto, iginiit nito na pananggaito laban sa mali, hindi espada para patayin ang buong budget. Hindi pwedenggawing super-legislator ang Pangulo. Kung basta na lang i -veto ang bilyun-bilyongproyekto nang walang sapat na basehan.Depensa pa ni Goitia sa pagbuo ng komisyonay dahil may malinaw na kapangyarihan ang Pangulo sa ilalim ng Administrative Code nabumuo ng fact-finding bodies para imbestigahan at maglatag ng ebidensiyangtatayo sa korte.