Saturday, September 27, 2025

Curlee, Sarah Discaya bumalik sa DOJ

 

Bumalik sa Department of Justice (DOJ) nitong Sabado ng hapon ang mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya.

Gayunman, hindi nagpaunlak ng interview ang dalawa maliban sa ipinaki¬tang finger heart ni Sarah sa media.

Si Curlee, na nasa custody pa rin ng Senado, ay dumating na may kasamang personnel ng Police Security and Protection Group, habang si Sarah ay dumating mula sa hiwalay na sasakyan.

Ang mag-asawang Discaya ay nasa Witness Protection Program ng DOJ pero nilinaw ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi pa sila maituturing na state witness.

Kasama sa mga protected witness sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineers Henry Alcantara, Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza, mga tinaguriang “BGC Boys”.

Ang affidavit nina Alcantara, Hernandez, Mendoza at dating DPWH undersecretary Roberto Bernardo ang naging basehan ng National Bureau of Investigation (NBI) na irekomenda ang pagsasampa ng kaso laban sa 21 indibiduwal na kinabibilangan nina Senador Francis Escudero, Joel Villanueva, Jinggoy Estrada at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

BBM namudmod ng ayuda sa Cagayan


 Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Sabado ang distribusyon ng ayuda sa mga magsasaka at kanilang pamilya matapos maapektuhan ng nagdaang bagyo sa Gonzaga, Cagayan.

Kasama si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., namahagi si Pangulong Marcos ng mga binhi, fertilizers at iba pang farm inputs ng Department of Agriculture (DA) sa mga benepisyaryo.

Nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng P7,000 halaga ng Rice Farmers Financial Assistance.

Namahagi rin ang Pangulo ng food packs at P10,000 cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Kaya naman kami nandito ay upang makatu¬long sa ating mga magsasaka na mag-recover dito sa mga nawala sa inyo na kinuha ng Typhoon Nando nitong nakaraang weekend,” wika ng Pangulo¬ sa kanyang talumpati sa People’s Gymnasium sa Gonzaga.

“Marami po tayong naging biktima at marami po tayong kailangang tulungan dahil po ito nga, wala po tayong magagawa dahil nagbabago ang panahon,” dagdag pa niya.

De Lima pinush P46B lipat-pondo sa DSW


 Itinulak ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na ilipat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P46 bil¬yong kinatay sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa flood control project.

“Mas magandang magamit ang P46 bil¬yong piso na nakuha mula sa maanomal¬yong mga flood control projects para sa mga programang tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang mga sustainable livelihood programs ng DSWD,” giit ni De Lima.

Matatandaang inire¬komenda na ng subcommittee ng House Committee on Appropriations ang paglipat ng pondo ng P32 bil-yon para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations ng DSWD at P14.82 bilyon sa Tulong Panghanapbuhay sa ¬Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment.

“Bilang principal author at sponsor ng 4Ps Law, nakita natin ang kongkretong tagumpay ng programa kung saan milyon-milyon na nating kababayan ang natulu¬ngan at siya na ngayong may kakayahang maka¬tulong at makaambag sa lipunan,” diin ni De Lima.