Saturday, September 27, 2025

BBM namudmod ng ayuda sa Cagayan


 Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Sabado ang distribusyon ng ayuda sa mga magsasaka at kanilang pamilya matapos maapektuhan ng nagdaang bagyo sa Gonzaga, Cagayan.

Kasama si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., namahagi si Pangulong Marcos ng mga binhi, fertilizers at iba pang farm inputs ng Department of Agriculture (DA) sa mga benepisyaryo.

Nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng P7,000 halaga ng Rice Farmers Financial Assistance.

Namahagi rin ang Pangulo ng food packs at P10,000 cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Kaya naman kami nandito ay upang makatu¬long sa ating mga magsasaka na mag-recover dito sa mga nawala sa inyo na kinuha ng Typhoon Nando nitong nakaraang weekend,” wika ng Pangulo¬ sa kanyang talumpati sa People’s Gymnasium sa Gonzaga.

“Marami po tayong naging biktima at marami po tayong kailangang tulungan dahil po ito nga, wala po tayong magagawa dahil nagbabago ang panahon,” dagdag pa niya.

No comments:

Post a Comment