Wednesday, September 24, 2025

Cesar, umaasa sa pagbabago

 

Mayroong art exhibit na ginaganap ngayon si Cesar Montano sa Cebu. Matutunghayan ang mga bukod-tanging obra ng aktor at Ivan Acuña sa NUSTAR The Mall hanggang Sept. 28.

“Back-to-back kami (ni Ivan) and I have a coming up here in Quezon City, solo,” nakangiting bungad sa amin ni Cesar sa Fast Talk with Boy Abunda.

Bida ang aktor ngayon sa Selda Tres na mapapanood na rin sa mga sinehan ng Gateway ngayong Biyernes. Kabilang din sa naturang proyekto sina JM de Guzman at Carla Abellana. Isa ang Selda Tres sa mga pelikulang kalahok sa Sinag Maynila Film Festival 2025.

“Kapatid ko si JM de Guzman. It’s about injustice and corruption. Napapanahon, para bang sinadya pero hindi po. Matagal na ‘yan, Tito Boy. Noon pa man, mayroon na ‘yan pero ito ‘yung highlight, ito ‘yung pinaka-highlight na hindi kalunuk-lunok na. Pero noon pa ‘yan. Sakit na ng bansa natin ‘yan. ‘Yung sistema na ‘yan,” makahulugang pahayag ng beteranong aktor.

Mainit na pinag-uusapan sa bansa ngayon ang tungkol sa korapsyon. Para kay Cesar ay malaking bahagi ng katiwalian sa gobyerno ay ang mga kababayang nabibili sa kanilang boto tuwing mayroong halalan dahil na rin sa ilang mga tiwaling pulitiko.

“Kung mayroon mang masisisi ‘yan dapat lahat tayo. Tingnan mo sa eleksyon na lang, nababayaran ang Pilipino. Hanapin n’yo ‘yung mga probinsya natin minsan compare notes pa, ‘Magkano kinita mo ngayon? Magkano binayad sa ‘yo?’ We sell our souls. Naging kultura natin ‘yan, so naboboto natin. Nalalagay natin sa power ang taong hindi naman nararapat dahil lang naibenta natin ang kaluluwa natin, ang ating boto. Now, ito na, hinog na, lumaki na. Ang dami nang nakaupo ang hindi nakaupo. Ito na ang problema natin,” paglalahad niya.

Noong Linggo ay malawakang rally sa iba’t ibang lugar sa bansa ang dinaluhan ng libu-libo nating mga kababayan dahil sa isyu ng korapsyon. Ayon kay Cesar ay kailangan na talagang magkaroon ng pagbabago sa gobyerno at sa taumbayan upang maisaayos at matigil na ang problemang ito ng Pilipinas.

“I think lahat naman ‘yan kailangan ng due process of law dadaan ang kailangan. Hindi natin makukuha ‘yan sa violence. Kailangan ito matinding repormasyon ang mangyari. Change, pagbabago talaga. Hindi natin ‘yan makukuha ng isang taon, ng ilang buwan lang, hindi. Matagal na nating kinukunsinti ‘yan, tino-tolerate ‘yan eh,” giit ng aktor at direktor. 

ake pinagpalit, Chie nag-sorry, hindi itinanggi ang relasyon kay Matthew Lhuillier?!

 

Matapos ang halos dalawang taon na pagli-live in, kinumpirma ng reliable source na hiwalay na sina Jake Cuenca at Chie Filomeno last August pa.

Ang rason ng hiwalayan nila, nakumpirma diumano ni Jake na may ibang karelasyon na si Chie, si Matthew Lhuillier, cousin ng partner ni Sofia Andres na si Daniel Miranda.

Ayon sa reliable source, mahal na mahal ni Jake si Chie na kahit daw may ilang kaibigan na nagsasabi sa actor na nakikipag-date si Chie sa iba ay hindi diumano naniniwala si Jake.

In fact, hindi raw favor ang parents ni Jake kay Chie dahil sa family background nito. Pero lagi raw nitong ipinagtatanggol ang girlfriend at sinasabing mahal na mahal niya ito.

Hanggang isang araw nakatanggap raw ng text si Jake (mga second week of August) na tinatanong siya kung sila pa ba ni Chie.

Sinabi raw ng nag-text kay Jake na kasama ito sa family event ng mga Lhuillier, as if part of the family na ang sexy actress/dancer.

Agad-agad diumanong itinext ni Jake si Chie at sinabing ipapadala na lang niya (Jake) lahat ng gamit niya (Chie).

Na ginawa raw ng actor, ipinadala kaagad daw nito ang lahat ng kagamitan ng girlfriend nung nakumpirma nitong nag-cheat diumano ang sexy star/dancer.

Nag-sorry naman daw si Chie at walang denial. Sinabi na agad nito ang tungkol sa kanila ni Matthew.

Dalawang beses na raw nag-sorry si Chie sa nakarelasyong actor.

Anyway, ang diumano’y karelasyon ngayon sexy star/dancer, miyembro ng ultra rich family.

As in sobrang yaman daw na kamakailan naglunsad ng negosyo nilang Bisaya Brew.

Ayon sa mga lumabas na article, sa kabila ng pagiging culinary expert ni Matthew Lhuillier, pinag-aralan nito ang paggawa ng serbesa o beer.

Samantala, nag-worry lang daw ang ilang malalapit kay Jake na baka bumalik ito sa pag-inom ng alak at paninigarilyo dahil sa nangyari.

Buti na lang daw at busy ito sa Batang Quiapo, sa taping ng What Lies Beneath at sa ginagawa nitong pelikula.

Wala na kasing kabisyo-bisyo si Jake. As in itinigil na niya ang pag-inom ng alak at paninigarilyo.

Nung huli namin siyang nakausap ay sinabi niyang na-realize niya ang mga nasabing bisyo ang dahilan kaya siya nasangkot sa ilang kontrobersiya. Bukod pa sa malaki ang natipid niya.

“So nakakatuwa kasi parang, aside from sobriety, I also got over those vices. Those are vices too. ‘Yung accumulating things and buying and shopping. Having self-worth through material things. Don’t get me wrong, I love watches, and I love cars, but for me, I also realized you don’t have to have all the watches. You don’t have to have all the watches,” sabi niya that time.

Pero meron bang replacement ‘yung alak at sigarilyo tanong ko? “I think, like for me parang the big replacement of like my alcohol drinking it’s... if it’s just a replacement, siguro riding a motorcycle or siguro it’s like, because I stopped drinking so I even doubled down more like let’s say my preparation for work.

That time, last July, inamin din ng actor na wala pa sa radar niya ang kasal.

Alam daw niyang marami pang gustong gawin ang ex-girlfriend na niya ngayon.

“Plans are not yet on the radar. Obviously, parang my girlfriend, she still has a lot of dreams, parang kumbaga marami pa siyang gustong gawin, and I respect that,” katuwiran ng actor.

“But to be honest with you, parang, I just don’t want to say kasi I already said this before. I don’t want to be so repetitive about it, but if I was, you know, qualities that I’m looking for in a wife, I would say Chie has all of them. But to say we’re going to get married sometime soon, that’s a bit of a farce,” dagdag niyang paliwanag.

Andrea may gagawing redemption drama, sumabak sa sosyal na gaming kasama si Bea!

 

Ahh may pagbibidahan palang pelikula si Andrea Brillantes sa Rein Entertainment na naghahanda nang simulan ang produksyon – isang drama thriller na may pamagat na Laya, sa direksyon ni Sigrid Andrea P. Bernardo.

Isang umano itong “redemption drama” na iso-shoot sa Oslob, Cebu na magsisimula na sa October.

Nagkaroon ito ng formal announcement sa Asian Contents & Film Market in Busan, South Korea na sinalihan ng Rein Entertainment – ang production company na inilunsad noong 2017 nina director Shugo Praico, Lino Cayetano at Philip King.

Ang Rein ay gumagawa ng mga pelikulang may global appeal.

Sa kasalukuyan, nasa post-production na rin sila ng pelikulang Salvageland, under Direk Cayetano starring Richard Gomez, Elijah Canlas, Mon Confiado at Cindy Miranda.

May gagawin din sa kanilang pelikula si Bela Padilla na siya rin ang nagsusulat ng script at magdidirek nito na kukunan naman sa South Korea.

Samantala, kasama ni Andrea si Bea Alonzo bilang bagong mukha ng entertainment platform.

Pinakilala sila ng NUSTAR Online, ang sosyal na online entertainment platform ng bansa, ang iconic na pagsasama-sama ng isang resort sa Cebu ay pinalawak upang magbigay ng isang digital experience. 

Mula sa husay ng interface nito hanggang sa curated game offerings, ang NUSTAR Online ay idinisenyo para sa mga Pilipino na siyang nagbibigay halaga sa parehong paglilibang.

Napili diumano ang dalawang aktres sapagkat kinakatawan nila ang dalawang ‘kaluluwa’ ng brand.

Una, bilang matatag na kababaihan at ikalawa naman ay walang kinakatakutan.

Sa halos dalawang dekada sa industriya ng showbiz, binigyang kahulugan muli ni Bea Alonzo kung ano ang ibig sabihin ng pagiging aktres sa kanyang mga ginawang serye at pelikula.

Sa kabilang banda, si Andrea ay isang Gen-Z superstar na umangat sa pagiging matapang, totoo, at may karisma. Siya ay kumakatawan sa bagong henerasyon ng mga Pilipino – mga taong namumuhay sa mundo ng digital, naglalaro na walang kapaguran.