Saturday, September 20, 2025
Pangulong Marcos: P60 bilyong excess funds ibabalik sa PhilHealth
Ibabalik na sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang P60 bilyong pondo na dating ibinalik sa national treasury na mula naman sa natipid na budget na karamihan ay mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kanyang pagbisita sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Manila para siguruhin na naipapatupad ng maayos ang zero balance billing program.
“So I’m happy to be able to announce, dahil sa ating mga ginagawa, siguro alam naman ninyong lahat yung mga savings natin from Department of Pubic Works and Highways - yung P60 billion na yan ibabailik na natin sa PhilHealth,” pahayag pa ng Pangulo.
Dahil aniya ang P60 bilyong na gingamit sa iba’t ibang proyekto at nagkaroon na ng savings, kaya maibabalik na ito sa PhilHealth.

Pangulong Marcos namigay ng student beep cards
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng student beep card sa LRT Line 2 sa Legarda, Maynila.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang student beep card ay isang espesyal na beep card na nagbibigay ng 50% discount sa mga estudyante sa pamasahe sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3.
“Napakalaking tulong yan, dahil alam naman natin, students are on a very, very tight budget. So we are very happy to be able to launch this new system to give the beep card to our students,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Pinadali na rin aniya ang sistema sa paglo-load ng beep card, dahil kung dati bago makuha ang beep card pito hanggang 10 araw ang processing, subalit ngayon ay tatlong minuto na lamang basta magpakita ng katunayan na talagang estudyante sila.