Wednesday, September 17, 2025

Derek nag-deactivate, Ellen nakikita na sa ibang bahay?!

 

Hindi mahanap kahapon ang social media page ni Derek Ramsay.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang pictorial ng 7th birthday ng eldest ni Ellen Adarna na si Elias na ipinost ng organizer nitong La Belle Fête.

Pero latepost na ang nasabing mga snap dahil last June pa ang nasabing party.

Kasama rin sa nasabing post ang daughter ng mag-asawa na si Lily.

“Though the celebration was kept simple, we made sure every detail was intentional and true to the theme,” kasama ang mga food cart at activies na na-enjoy ng mga bata at mga adult na bisita.

“What made this celebration even more meaningful was Elias’s choice to give back, a beautiful reminder that birthdays can also be about sharing joy with others,” dagdag ng La Belle Fête.

Si Elias of course ay anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz.

Samantala, paulit-ulit pa rin ang suspetsa na diumano’y hiwalay na talaga ang mag-asawa kahit paulit-ulit din ang kanilang denial.

Si Derek ay consistent na sinasabing iwasan ang pang-iintriga sa kanila at ganundin si Ellen.

Pero iba naman ang nakikita sa kanila sa social media.

Diumano’y sa ibang bahay na rin nakatira si Ellen.

Pero ‘yun nga wala naman silang inaamin o sinasabi.

Classic film na Jaguar, bubuksan ang Sinag Maynila


 Pagkatapos ng international premiere sa 16th Lumière Film Festival in Lyon, France noong isang taon, muling mapapanood sa bansa ang isa sa mga obra ng National Artist for Film Lino Brocka, ang neo-noir crime classic, Jaguar (restored) na magbubukas sa gaganaping 7th Sinag Maynila Independent Film Festival.

Ang opening ceremonies ay gaganapin sa Tuesday, Sept. 23 at Gateway Cinema 5, at ito ang magsisilbing Asian premiere ng 4K restored version ng Jaguar na collaborative efforts of Film Development Council of the Philippines’s Philippine Film Archive (PFA) division and Cité de Mémoire.

Inaasahan namang darating sa nasabing event ang cast and crew ng pelikula na pinangungunahan ni Phillip Salvador at Amy Austria.

Napanood ito noong 1979, ang Jaguar ay gumawa ng kasaysayan bilang first Filipino film na nominated for the prestigious Palme d’Or ng 1980 Cannes Film Festival.

Isinalaysay nito ang kuwento ni Poldo, isang security guard na nasangkot sa krimen habang pinoprotektahan ang isang mayamang playboy, hinarap ang mga problema sa moral at kalunus-lunos na mga kahihinatnan sa gitna ng pagkakaiba-iba ng uri at ang mapanirang paghahangad ng kasikatan.

Inspired by a news story from the book Reportage on Crime by National Artist for Literature Nick Joaquin, ang Jaguar ay sinulat ni Jose F. Lacaba and National Artist for Film Ricky Lee.

Sinag Maynila celebrates the Philippine Film Industry Month by featuring the restored works ng ating mga National Artist bilang bahagi ng Pambansang Alagad ng Sining section ng Sinag, to be screened in select Metro Manila cinemas together with the competing films.

Kabilang din sa mga mapapanood ang digitally restored 1978 film Atsay, directed by Eddie Garcia, starring National Artist for Film Nora Aunor. Atsay was restored in 2022.

The 61 films in competition will be screened for one week from Sept. 24 to 30, at the official screening venue partners: SM Mall of Asia, SM Fairview, Robinsons Manila, Robinsons Antipolo, Trinoma, Market! Market!, and Gateway Cineplex. Ticket prices are at P250 per admission.

Bulgaria winalis ang Pool E


 Kinumpleto ng World No. 12 Bulgaria ang Pool E sweep matapos gibain ang Chile, 25-17, 25-12, 25-12, sa 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bumanat si Aleksandar Nikolov ng 17 points para sa 3-0 record ng Bulgaria papasok sa Round of 16 kung saan nila makakaharap ang second-place team sa Pool D na Portugal o Cuba.

Nauna na nilang pinatumba ang mga higher-ranked teams na Slovenia at Germany sa group stage ng 32-team world championship.

Nasa kanilang ika-11 FIVB Worlds appearance, target ng mga Bulgarians ang kanilang unang medalya matapos manalo ng tanso noong 2006 edition sa Japan.

Tinapos ng Chile (0-3) ang kanilang unang World Championship stint simula noong 1982.

Samantala, pinaluhod ng World No. 24 Portugal ang sibak nang Colombia, 23-25, 21-25, 25-20, 25-21, 15-11, para sa tsansa sa Round of 16.

Para makaabante sa knockout stage ay kaila­ngang ipagdasal ng Portugal na talunin ng Team USA (2-0) ang Cuba (1-1).

Sa Smart Araneta Coliseum, tinalo ng World No. 16 Turkiye ang World No. 8 Canada, 25-21, 25-16, 27-25, para angkinin ang top spot sa Pool G.

Nauna nang sumampa ang mga Turkish sa Round of 16 matapos gibain ang Libya at World No. 7 Japan.

Makakasama nila ang mga Canadians sa knockout stage.