Monday, May 12, 2025

Higit P197 milyong shabu nasabat sa 2 bigtime ‘tulak’


 Arestado sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Southern Police District (SPD) ang dalawang bigtime ‘tulak’ matapos na makuhanan ng higit P197 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa  ParaƱaque City nitong Sabado ng hapon.

Batay sa report, alas-5 ng hapon nitong Sabado (May 10) nang isagawa ang operasyon sa loob ng isang eksklusibong subdivision sa ParaƱaque City at nagresulta sa pagkakahuli  sa mga suspek na sina “Jalil”, 44, at “Gracia”, 36, kapwa residente ng Cebu City.

Ayon sa mga awtoridad nahirapan silang magsagawa ng surveillance at validation dahil sa mahigpit na security ng subdivision.

Subalit sa pagpupursige ng mga awtoridad, nagawa pa ring maki­pagtransaksiyon sa mga suspek kung saan ang mga shabu ay inilagay sa 29 na aluminum foil packs na may label na “Freeze-dried Durian” na may Chinese character.

Dito ay agad na pinosasan ng mga ope­ratiba ang mga suspek at binasahan ng  Miranda Rights.

Aabot sa 29 kilo ang kabuuang timbang ng mga nasabat na droga, na may street value na P197,200,000.

Nahaharap ang da­lawa sa paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Eleksiyon 2025, aarangkada na


 Arangkada ngayong Lunes, Mayo 12, ang National and Local Elections (NLE) sa bansa.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), mahigit sa 69 milyong Pinoy ang inaasahang lalabas ng kanilang tahanan upang bumoto sa midterm elections.

Kumpiyansa si Comelec Chairman George Erwin Garcia na magsisiboto ang mga ito at magiging mapayapa sa pangkalahatan ang halalan.

“Napakataas ng ating paniniwala sa mga kababayan nating botante na sila ay boboto at magi­ging tahimik ang ating eleksyon,” ani Garcia.

Kabilang sa ihahalal ng mga botante ay 12 kandidato sa pagka-senador; isang miyembro ng House of Representatives; isang provincial governor, isang provincial vice-governor, isang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, isang mayor, isang vice mayor, isang miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at isang party-list group.

Pinayuhan naman ng Comelec ang mga botante na bago magtungo sa mga presinto ay alamin na muna ang kanilang pol­ling centers at precinct, sa pamamagitan ng kanilang inilunsad na precinct finder na maaaring ma-access, sa pamamagitan ng https://precinctfinder.comelec.gov.ph/voter_precinct.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, mas makabubuti na ring magdala ng kodigo, kung saan nakasulat ang pangalan ng kanilang mga ibobotong kandidato, para sa mas mabilis na pagboto.

Tuloy pa rin naman anila ang early voting para sa vulnerable sectors, kabilang na ang mga buntis, matatanda, at persons with disabilities, na isasagawa mula 5:00AM hanggang 7:00AM.

CLAIRE CASTRO SUPALPAL SA SARILI NYANG FAKE NEWS #news