Sunday, September 28, 2025

SSS bubuksan micro loan para tapatan mga `5-6’

 

Magbubukas ang Social Security System (SSS) ng bagong micro-lending program sa mga miyembro nito na may mababang interes para hindi na sila mangutang sa “5-6”.

Sa SSS LoanLite, makakautang ang miyembro ng P5,000 hanggang P20,000. Babayaran ito sa loob ng 15 hanggang 90 araw sa annual interest rate na 8% at dagdag na service fee.

Target ng SSS na palakihin ang loan book nito hanggang P40 bilyon sa loob ng dalawang taon.

“This will really help each Filipino, members of SSS, not to fall victims to loan sharks,” sabi ni SSS President at CEO Robert Joseph Montes De Claro.

Katuwang ng SSS sa programa ang Union Bank of the Philippines.

No comments:

Post a Comment