Maging ang pinsan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na si Speaker Martin Romualdez ay hindi lusot sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Sa press conference sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na walang sasantuhin ang ICI kahit pa kaibigan, kamag-anak o kaalyado ang dawit sa katiwalian sa flood control projects.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag matapos sabihin ni Navotas Congressman Toby Tiangco na nasa likod ng anomalya sina Romualdez at dating House Appropriations chair Zaldy Co.
Paliwanag ng Presidente, wala namang maniniwala kung sasabihin lamang niya na walang kinikilingan at walang tinutulungan ang ICI.
Kaya mas mabuti aniya na gawin ito at imbestigahan ang lahat ng sangkot sa anomalya.
“Anybody will say, ah hindi, wala, wala tayong kinikilingan, wala tayong tinutulungan, wala namang maniniwala sa iyo hanggat gawin mo e, so gagawin namin,” sabi ng Pangulo.
Maipagmamalaki aniya ng MalacaƱang na walang kaugnayan ang 3-man Commission sa kahit na alinmang ahensiya ng gobyerno kaya hindi pagdududahan ang kanilang pagiging independent dahil lahat ng mga ito ay wala sa gobyerno, maliban kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
No comments:
Post a Comment