Inatasan ng MalacaƱang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na ipatupad ang 2024 National Disaster Response Plan (NDRP) na nagdedetalye ng mga komprehensibong estratehiya para mabawasan ang mga panganib at makapagsalba ng mga buhay at mabawasan ang epekto ng mga kalamidad.
Sa ilalim ng Memorandum Circular no. 100 na pinir¬mahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Setyembre 23, 2025, inatasan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pangunahan ang implementasyon ng 2024 NDRP.
Layunin din ng NDRP na agad na aalayayan ang mga apektadong komunidad at maitatag ang epektibong disaster response at maagang recovery operations.
Nakapaloob sa Memorandum ang pangangailangan ng mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng Presidential Communications Office (PCO) at Office of Civil Defense (OCD) upang ipalaganap ang 2024 NDRP sa lahat ng mga kaukulang ahensiya at tanggapan. (Aileen Taliping)

No comments:
Post a Comment