Sinampahan si dating pangulong Rodrigo Duterte ng tatlong “crimes against humanity” dahil sa umano’y naging papel nito sa pagpatay ng hindi bababa sa 76 katao sa panahon na ipinatutupad ang tinatawag na “giyera laban sa droga.”
Ang kaso laban sa 80-taong gulang na dating lider na nakakulong sa isang detention facility sa Netherlands ay nakapaloob sa isang dokumento na inilathala ng ICC noong Lunes. Matatandaan na isinuko ng gobyerno ng Pilipinas si Duterte sa ICC noong Marso.
Binanggit sa dokumento ang nangyaring anti-war crackdown na pinangunahan ni Duterte noong siya pa ang presidente na nagresulta sa pagkamatay ng libu-libong pinaghihinalaang dealers at users ng ilegal na droga.
Ang dokumento ay nilagdaan ng deputy prosecutor ng korte na si Mame Madiaye Niang na naglalahad kung ano ang nakikita ng mga prosecutors na criminal responsibility ni Duterte sa napakaraming namatay sa pagitan ng 2013 at 2018.

No comments:
Post a Comment