Thursday, September 18, 2025

Gretchen dumalo sa DOJ hearing ng ‘missing sabungeros’


 Lumutang kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang aktres na si Gretchen Barretto para dumalo sa preli­minary hearing ng kaso ng missing sabungeros.

Si Barretto ay isa sa pinadalhan ng subpoenas ng DOJ para sa reklamong multiple murder at serious illegal detention na inihain ng mga pamilya ng mga nawawalang sabungero.

“I trust” lamang ang narinig kay Barretto nang hingan ng komento sa tanong ng media kung naniniwala na magi­ging patas ang imbestigasyon.

Ang legal counsel ng aktres na si Atty. Alma Mallonga ay nagpahayag para sa inihaing counter-affdavit.

“The reason we’re filing a counter-affidavit right now… based on what we have been saying from the very beginning that we feel that the accusations against her are unsubstantiated, incredible, and there’s every basis for the complaint to be dismissed,” ani Atty. Mallonga.

Hindi naman dumalo ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at kinatawan laman siya ng kanyang abogado na si Atty. Gabriel Villareal.

No comments:

Post a Comment