Monday, September 15, 2025

BALITA NGAYON - Kung ‘di ako Presidente, baka kasama rin ako sa protesta – Pangulong Marcos

 

Kung hindi lang siya presidente, gusto rin dumalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga ikinakasang malawakang kilos protesta dahil sa anomalya sa flood control projects sa bansa.

Ito ang sagot ng Pa­ngulo sa tanong kung dapat mag-alala na posibleng lumaki at matulad sa nangyari sa Nepal at Indonesia ang nakaambang protesta sa Setyembre 21 sa Luneta at People Power Monument.

“Do you blame them for going out into the streets? If I wasn’t President, I might be out in the streets with them. So you know, of course they are enraged. Of course they’re angry. I’m angry. We should all be angry, because what’s happening is not right,” dagdag ng Presidente.

Nauunawaan umano ng Pangulo ang mga kilos protesta ng publiko at karapatan aniya ng bawat isa na maglabas ng sentimyento kung paano sila nasaktan at ninakawan.

“To show that you are enraged, to show that you are angry, to show that you are disappointed, to show that you want justice, to show that you want fairness. What’s wrong with that?… I want to hold these people accountable just like they do. So I don’t blame them. Not one bit,” pahayag pa ni Marcos.

Paalala naman ng Pangulo, dapat ga­wing mapayapa ang ­lahat ng demonstrasyon at hindi mauwi sa gulo.

No comments:

Post a Comment