Tuesday, September 16, 2025

Bagong karelasyon ni Julia, kapatid ng mister nina Erich at Claudia!


 May name reveal ang reliable source namin sa old rich businessman na diumano’y ‘constant’ ngayon ni Julia Barretto.

Na kung makakatuluyan daw ito ni Julia, tiyak na iiwan na rin ng actress ang showbiz.

Equestrian daw ito pero ngayon ay CEO ng RestaurantConcepts Group, Inc. (RCGI), si Lucas Lorenzo.

Si Lucas ay kapatid ng mister nina Erich Gonzales and Claudia Barretto, sina Matteo and Basti Lorenzo.

Yup, brother ito ng husband ni Claudia na sister ni Julia.

At ang interview ni Lucas sa tatlerasia.com ang ipinadala ng aming source.

Ang tungkol sa kanyang pagiging CEO sa RCGI na kinabibilangan ng mga fine dining restaurants : Barcino, Bluesmith, Meat Depot, and Single Origin.

Kaya’t tinalakay doon na isa sa mga pinakamalaking hamon na nakikita niya (Lucas) sa mga nasabing sosyal na restaurant ang mabilis na paggalaw o pag-evolve ng food and beverage industry. At upang matugunan aniya ito, plano niyang manatiling nangunguna sa mga trend, pasiglahin ang mga pagbabago, pahusayin ang pagpapatakbo, unahin ang pagpapanatili, at mag-invest sa talent development. Sa kabila ng mga hamong ito, nakahanap daw ang sinasabing diumano’y karelasyon ng anak nina Marjorie Barretto and Dennis Padilla ng positibong epekto ng RCGI sa mga guest at team members ayon pa sa nasabing article. “Seeing the joy on a customer’s face as they savour a delicious meal or hearing appreciation from a team member who feels va­lued is incredibly fulfilling,” banggit niya sa nasabing interview.

No comments:

Post a Comment