Dahil sa pananalasa ng Bagyong Opong, naapektuhan ang operasyon ng 123 pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Bilang resulta, abot sa 5,845 pasahero, kasama ang mga tsuper ng truck at cargo helper, ang hindi nakabiyahe sa kanilang mga destinasyon.
Naiulat din ang pagkaantala ng paglalayag ng mahigit 2,800 rolling cargo gayundin ang 110 barko at 53 motorbanca.
Bilang pag-iingat, mahigit 400 barko at 116 motorbancas ang pansamantalang ipinarada sa mas ligtas na lugar.
Kabilang sa mga rehiyong direktang apektado ng sama ng panahon ang National Capital Region (NCR), Southern Tagalog, Northern at Northwestern Luzon, Bicol, Eastern Visayas, Southern Visayas at Northeastern Mindanao.

No comments:
Post a Comment