Panawagan sa administrasyong Marcos, Senado, Kongreso, PNP, AFP, at sa mga oposisyon tulad nina Sonny Trillanes, Leila De Lima, France Castro, Arlene Brosas, Raoul Manuel (Makabayan Bloc) at sa iba pang nagnanais na pabagsakin ang aking pamilya, lalo na si Lolo Rody Duterte at VP Inday Sara Duterte.
Sa halagang P125M CF, nais ninyong ipa-impeach si Bise Presidente Inday Sara. Sinasabi ninyo na nararapat malaman ng mga Pilipino kung paano at saan ginastos ang pondo ng OVP, ngunit tila kayo ay bulag, pipi, at bingi sa tunay na korapsyon at mga suliranin ng ating bansa. Kung tunay ang inyong malasakit sa pondo, sana'y lahat ng ahensya ng gobyerno ang inyong tinutukan at imbestigahan, hindi lamang isang tao ang inyong pinapahiya at sinisiraan sa mata ng publiko.
Ito ang tunay na korapsyon sa ilalim ng pamumuno ni Bongbong Marcos mula nang siya ay maupo bilang ating Pangulo. Walang paliwanag! Walang imbestigasyon! Walang nagtanong kung nasaan ang milyones, bilyones, at trilyones. Walang tumutol!
OP's Budget 2022 - Р403M
OP's Budget 2023 - P5.268T
OP's Budget 2024 - P5.768T
OP's CF 2022 - P4.5B
OP's CF 2023 - P9.3B
OP's CF 2024 - P4.5B
OP's Travel Budget 2022 - P84M
OP's Travel Budget 2023 - P893.57M
OP's Travel Budget 2024 - P1.408B
Maharlika Funds - P250B
*GSIS - P62.5B
*SSS - P62.5B
*LBP - P62.5B
*PDIC - P117B
Gold Sold 2024 - P129B
PhilHealth Funds - P89B
Flood Control - P500B
OP's Budget 2025 - P10.506B
OP's CF 2025 - P4.5B
OP's Travel Budget 2025 - P5.352M
SONA 2024 - P20M
Party
Concert
Lotto Winners
Philippine Debt 2023 - P1.6T
Philippine Debt 2024 - P2.46T
Ang pagbabayad ng utang ay umabot sa P1.36 trilyon sa loob ng pitong buwan. Ang utang sa ibang bansa ay tumaas sa $130.2 bilyon noong Hunyo. Ang Pilipinas ay nagbenta ng 24.9 toneladang ginto sa unang kalahati ng 2024. Ang gobyerno ay nagamit na ang 89% ng plano sa pangungutang para sa 2024.
Ang utang ng Pilipinas ay umabot sa pinakamataas na antas na P15.89T, subalit walang malalaking proyekto na naipatupad. Ang P500B ay inilaan lamang para sa tulong ni Martin Romualdez, na tila naglalayong pagandahin ang kanyang reputasyon.
Maraming kabataan ang nawawala, habang ang ating mga alagad ng batas ay nananatiling tahimik. Sa kabila ng mga pagbaha at bagyo, walang nagligtas. Nang arestuhin si Pastor Quiboloy, umabot sa 3,000 pulis ang nagtipon sa KOJC compound. Samantalang si Atty. Zuleika Lopez ay dinala sa ospital, daan-daang pulis ang nagbantay sa kanya.
Mga kababayan, kayo na ang bahalang mag-isip kung tama pa ba ang mga nangyayaring kabulastugan ng ating gobyerno at harapang pagnanakaw sa kaban ng
bayan.
Kayo na ang mag-isip kung sino ba talaga ang totoong salot at walang silbing politiko.
No comments:
Post a Comment