Tuesday, December 17, 2024

Mavs, Warriors naglista ng NBA record na 48 tres

 

Inilista ni Luka Doncic ang kanyang ika-80 career triple-double sa tinapos na season-high 45 points bukod sa 13 assists at 11 rebounds para giyahan ang Dallas Mavericks sa 143-133 paggupo sa Gol­d­en State Warriors.

Nagsalpak ang Mave­ricks (17-9) at Warriors (14-11) ng pinagsamang NBA-record na 48 three-point shots.

 Kumonekta ang Gol­den State ng 27 triples, ha­bang may 21 tres ang Dallas.

Nagdagdag si Klay Thompson ng 29 points kasama ang pitong triples para sa Mavericks..

Pinamunuan ng dati niyang ‘Splash Brother’ na si Stephen Curry ang Wariors sa kanyang 26 points at 10 assists.

Kaagad humarurot ang Dallas at inilista ang 39-18 kalamangan bago nagpasok si Draymond Green ng back-to-back 3-pointers sa paglapit ang Golden State.

Umiskor si Green ng mga season highs na limang tres at 21 points.

Ang one-handed slam ni Jonathan Kuminga at triple ni Andrew Wiggins ang nagdikit sa Warriors sa 110-114-107 sa pagbubukas ng fourth period.

Ngunit muling nakalayo ang Mavericks.

Sa Washington, nagka­dena si Jayson Tatum ng 28 points at 12 rebounds sa 112-98 paggupo ng nag­dedepensang Boston Cel­tics (21-5) sa Wizards (3-21).

Sa Los Angeles, humakot si Anthony Davis ng 40 points at 16 rebounds, at may 18 markers si LeBron James sa 116-110 panalo ng Lakers (14-12) sa Memphis Grizzlies (18-9).

Sa San Antonio, kumamada si Anthony Edwards ng 26 points sa 106-92 pag­rapido ng Minnesota Tim­berwolves (14-11) sa Spurs (13-13).

Sa Phoenix, bumira si De­vin Booker ng 28 points para pangunahan ang Suns (14-11) sa 116-109 pag­papatumba sa Portland Trail Blazers (8-18).

Sa New York, umiskor si Jalen Brunson ng 31 points para sa 100-91 pagdaig ng Knicks (16-10) sa Orlando Magic (17-11).

No comments:

Post a Comment