Walang tulugan ang bashers ni Maris Racal. Parang 48 hours or more pa siyang trending.
At ang daming meme na nagsulputan lalo na sa Twitter dahil daw sa sexting game base sa inilantad ng ex ng actor na si Jamela Villanueva.
Kaya naman kahapon ay binasag na ng actress ang pananahimik sa kontrobersiyang kinasangkutan nila ng co-actor na si Anthony Jennings. Ibinahagi ng Incognito star ang kanyang panig ng kuwento at todo ang paghingi ng tawad sa nangyari.
Kumalat nga sa social media ang mga screenshot ng pribadong pakikipag-usap niya sa kanyang onscreen partner na in-upload ng ex-girlfriend ng huli.
Hanggang naging national issue na ito at sinakyan ng marami.
Natanggal na ang mga nasabing screenshot pagkatapos ng 24 hours pero viral na ito dahil maraming netizens ang nakapaG-save na ng mga kopya. Kaya nangatwiran dito si Maris. “When I read it, I was gutted, I was shocked. I‘m truly embarrassed. Dahil nakita lahat ng tao ‘yun without my consent – against my will,” umpisa niya kahapon sa isang recorded statement.
Pagpapatuloy niya : “This is my side and I’ve been reading the screenshots. Dun ko napagtagpi-tagpi ang lahat. Kaya pala hindi siya maka-release ng statement dahil sila pa pala this whole entire time. I didn’t know. I was in the dark. I had no idea,” hanggang umiyak na siya.
“To the public, I am sorry you got to see that very intimate side of me. Ganun talaga ako ‘pag nabigay ng pagmamahal. It was supposed to be private. It was supposed to be a private, intimate thing. I’m sad na nakita ‘yun ng tao and yes I don’t want to play the victim here. Nagkamali din talaga ako. I want to say sorry to those people I have hurt. I reached out to Jam last November and I didn’t get a reply.
“I’m truly sorry to those people who supported me for 10 years. Alam nila lahat na ginapang ko ‘yung career ko mapunta lang sa’n ko gusto. Ginawa ko lahat, pinaghirapan ko lahat sa tulong nila – nagagawa ko ‘yung mga gusto ko,” ang mahabang bahagi ng kanyang pahayag.
“I don’t know where I’m gonna go. I don’t know saan ako pupunta. ‘Yung dignidad ko hindi ko na mahanap. Whenever I go out, whenever I walk I feel like a naked woman walking. I’m so embarrassed and I’m sorry you get to see that,” pag-ulit niya sa panghihingi ng tawad.
“I can assure you tuloy pa rin ako. Tuloy pa rin ang laban. Magtratrabaho pa rin ako kahit mahirap. Hindi pa rin namamatay ‘yung apoy sa puso ko. What you saw was not a perfect human. I’m far from being perfect. What you saw was a human being and I really am just a human being,” ang kabuuan ng huling bahagi ng kanyang video statement.
Maraming nag-nega sa statement ni Maris na contradicting daw sa mga kumalat na screenshot at kung ba’t hindi niya alam na mag-jowa pa ang ka-loveteam at Jam pero marami rin namang nag-agree na tama rin naman ang desisyon ng Kapamilya actress na unahin ang sarili at career bago ang lahat.

No comments:
Post a Comment