Thursday, December 5, 2024

Julia, naaksidente sa Topakk; Coco, naging proud

 

Hindi nagpa-double si Julia Montes sa mga mahihirap na eksena niya sa pelikulang Topakk na pinagbibidahan nila ni Arjo Atayde.

Mismong si Sylvia Sanchez ang nagsabi na walang takot sa mga daring action scene ang actress sa pelikulang isa sa inaabangan sa Metro Manila Film Festival 2024. “Talagang tumalon siya. Siya rin talaga ‘yung nakabitin,” patotoo ni Sylvia.

Kaya’t naaksidente pa siya na pagtalon ay tumama ang tuhod sa pako.

“Kasi ‘yung eksena na ‘yun, nagko-confrontation na ‘yung mga character. ‘Yun ‘yung first meetup namin ni Arjo, so medyo intense na ‘yung mga bagay-bagay.

“Eh nahiya naman akong i-cut (‘yung eksena) para sabihin na ‘teka lang napako ako,’ so ang ginawa ko dahil intense ‘yung eksena, nun’g wala sa akin ‘yung camera, hinugot ko na lang ‘yung ano (pako) sa tuhod ko and then, go on,” kuwento ni Julia sa ginanap na media conference ng pelikula the other night.

Na kahit gusto siyang dalhin sa hospital ng production ay hindi siya pumayag. May paramedic naman daw sa shooting nila na nag-check sa kanya.

At may injection din siya kaya ok lang – anti-tetanus shot.

Tinuruan ba siya ni Coco (Martin) o reaksyon ng karelasyon sa mga buwis-buhay na action scenes niya. “‘Yung original manager ko (Coco), proud,” chika ng aktres. “Siyempre, proud siya kasi siya rin naman ang isa sa nagturo sa akin kung papaano… hindi naman gumalaw lang, eh. Parang kung paano ‘yung safety.

‘Yung mga safety tips na itinuro niya (Coco), nagamit din naman naming lahat,” kuwento pa niya.

No comments:

Post a Comment