Monday, December 23, 2024

John Lapus, 'di kilala si Denise Julia kahit nakasama na raw sa cover

 

Naloka ang komedyante, TV host, at direktor na si John "Sweet" Lapus sa isyung kinasangkutan ng R&B singer na si Denise Julia, matapos siyang pangalanan ni celebrity photographer BJ Pascual na celebrity na may "worst experience" siya pagdating sa photoshoot.

Pero ang mas nakakaloka, tila hindi kilala ni John si Denise at pinagtanong pa ito sa netizens ng social media platform na X.

"mga anak sino si Denise Julia?" X post ni John noong Disyembre 21.

Sey naman ng isang netizen, nakasama na raw ni John si Denise sa isang photoshoot kasama ang iba pang komedyante, celebrities, at social media personalities.

Pero sansala ni Sweet, hindi raw talaga niya kilala si Denise Julia.

"sorry ha. di ko sya talaga kilala," aniya.

Sagot pa ni John sa netizen na nagsabing nakasama na niya sa cover si Denise, "Oh. 2 days shoot yan nak. Baka sa 2nd day sya. Kasi lahat ng kasabay ko sa 1st day knows ko. Yung mga hindi ko knows nagpakilala sa akin."

No comments:

Post a Comment