Monday, December 23, 2024

Disyembre 26, 2024 hindi idedeklara bilang holiday – Malacañang

 

Hindi idedeklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Disyembre 26, 2024 bilang holiday.

Inanunsyo ito ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Lunes, Disyembre 23.

“December 26 is not a holiday. Only December 24-25,” anang PCO.

Samantala, idineklara naman bilang regular holidays ang Disyembre 30 (Rizal Day) at Enero 1 (New Year’s Day), habang special non-working day ang Disyembre 31 (Last Day of the Year).

Matatandaang taong 2023 nang idineklara ni Marcos ang Disyembre 26, ang araw pagkatapos ng Pasko, bilang special non-working day sa bansa upang magkaroon daw ang bawat pamilya ng sapat na oras para magkasama.

No comments:

Post a Comment