Bongga naman na mabilis ang aksyon ni Sec. Sonny Angara ng Department of Education sa pambu-bully sa anak ni Yasmien Kurdi.
Hindi maganda ang pagbu-bully lalo na sa katulad ni Ayesha na 12 years old lang.
Kaya naman taos-pusong pasasalamat ang post ni Yasmien sa bawat isa sa inyo na nagpaabot upang ibahagi ang mga kuwento tungkol sa mga anak din nila na nahaharap sa pambu-bully.
Napakahalaga raw sa kanya ng suporta ng lahat at sabi pa ni Yasmien, ito ay isang paalala sa mga hamon na kinakaharap ng maraming pamilya
Ngayong Huwebes siya makikipagpulong Kay Sec. Angara upang talakayin ang mga potensyal na solusyon at strategy na maaari raw nating ipatupad upang matugunan ang bullying sa ating mga paaralan.
Thank you, Sec. Angara. Nawa’y matulungan mo ang lahat ng mga kabataan na nakakaranas ng bullying.

No comments:
Post a Comment