Monday, December 30, 2024

Carlos at Chloe, winner sa major drama sa showbiz 2024; relasyong Sunshine at Atong Ang ‘nagpakilig’

 

Kung tutuusin, wala naman talagang major controversies na yumanig sa showbiz sa lilipas na taon.

Well, naghiwalay sina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati.

Sa kasalukuyan ay tahimik na intriga sa hiwalayan ng dating mag-asawa at sinasabing diumano’y magkasama sa Japan ngayon sina Richard at Barbie Imperial.

Medyo pinag-usapan bago natapos ang taon ang magka-loveteam na sina Anthony Jennings and Maris Racal kung saan inilabas sa social media ng ex ni Anthony na si Jamela Villanueva ang resibo ng kanilang diumano’y panloloko.

Ang rebelasyon ni Kris Aquino na meron siyang karelasyong doctor nang bumalik siya ng Pilipinas;  ang reklamong sexual abuse ni Sandro Muhlach sa dalawang writer ng GMA 7; ang pagkakaaresto kay Neri Naig na nakulong ng ilang araw dahil sa kasong syndicated estafa pero nakalaya dahil na na-technical daw sa pag-aresto sa misis ni bokalista ng bandang Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda.


No comments:

Post a Comment