Thursday, December 26, 2024

Butler maghahanap ng bagong koponan

 

 Bago pa man ang February 6 trade deadline ay nagparamdam na si six-time NBA All-Star Jimmy Butler na umalis sa bakuran ng Heat.

Handa naman ang Mia­mi sa mga trade offers para kay Butler na wala pang por­mal na trade request ba­gama’t handa nang lumipat ng ibang koponan.

Ilan sa mga gustong pun­tahan ng 35-anyos na si Butler ay ang Phoenix Suns, Golden State Warriors, Dallas Mavericks at Houston Rockets.

Mayroon pang $49 mil­yon si Butler sa kanyang kontrata sa Heat ngayong season at $52 million player option para sa 2025-26 ma­tapos hindi magkasundo ang dalawang panig para sa isang contract extension.

Nagposte si Butler ng mga averages na 18.5 points, 5.8 rebounds at 4.9 assists ngayong season.

No comments:

Post a Comment