Itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (Phivolcs) sa alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon sa Negros mula sa alert level 2.
Ito ayon sa Phivolcs ay makaraang magkaroon ng matinding pagsabog ang bulkan sa may summit vent ng Kanlaon Volcano alas- 3:03 ng hapon ng Lunes, December 9.
Pinapayuhan ng Phivolcs ang lahat ng lokal na pamahalaan na nasa palibot ng Kanlaon na ilikas ang mga residente na nasa loob ng anim na kilometrong layo mula sa bunganga ng bulkan at maghanda ng inaasahang evacuation sa mas ligtas na lugar dahil sa posibleng matinding pagputok ng bulkan.
Una rito, alas-8 ng umaga ang Kanlaon ay nag-record ng isang pagbuga ng abo na may haba na 16 minuto, 6 volcanic earthquakes, pagluwa ng 4,638 tonelada ng asupre, walang patid na pagsingaw at panaka-nakang pag-abo na napadpad sa timog-kanluran at pamamaga ng bulkan.
Ipinagbabawal din ng Phivolcs ang paglipad ng anumang aircraft sa tuktok ng bulkan.
No comments:
Post a Comment