Masayang-masaya sina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa pelikulang Hello, Love, Again. Naipalabas ang naturang pelikula mula sa Star Cinema at GMA Pictures sa iba’t ibang panig ng mundo. “To everyone who joined us in this journey, know na hindi namin makakalimutan ang experience na ito as much as you guys are to it also,” bungad ni Alden sa 24 Oras.
“Hindi namin ito magawa nang wala ‘yung suporta na iyon and that support motivated us and kept us going,” dagdag naman ni Kathryn.
Isang VIP screening ang ginanap kamakailan ay isang sinehan sa Taguig City na dinaluhan ng tambalang KathDen, ilang sikat na personalidad, pulitiko at GMA at ABS-CBN executives. “It’s kind of like a happy cry, a fulfilled cry because parang na-realize ni First Lady (Liza Araneta Marcos) ‘yung home niya is ‘yung husband niya. The film resonates with a lot of people in different ways. We’re very grateful din naman talaga na mas nabibigyan tayo ng support ngayon ng ating government when it comes to the entertainment industry,” paglalahad ni Alden.
“Sabi niya it was a good kind naman so na-enjoy niya’yung journey ni Ethan at Joy. And then she also mentioned na napanood niya rin ‘yung first part (Hello, Love, Goodbye),” kwento naman ni Kathryn.

No comments:
Post a Comment